Nang makabalik kami sa room niya ay dumiretso ako sa kusina para simulan ang pagluluto ng ulam. Inuna ko talaga iyon dahil kung sa sinaing ay madali na lang. Natatakot ako na baka 10:00 PM na ay hindi pa kami nakakapag-hapunan. Kawawa naman pasiyente ko, hindi makakainom ng gamot sa tamang oras. Habang nandito ako ay sumusulyap-sulyap ako sa kaniya na nanonood ng TV. Alam kong ganoon rin siya sa akin, at ayokong kiligin. Ayokong bigyan ng meaning ang mga action niya sa ganitong sitwasiyon, pero, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tutal, tulad ng sinabi ko nung nakaraan, what happens in Davao, be left in Davao, right? Hanggang dito lang naman ang lahat. Kasi once na bumalik kami sa Manila, babalik na rin kami sa dati. Kalilimutan ko na ang lahat ng nangyari dito once na umuwi na kami, kay

