Pagkarating ko sa loob ng company, matapos kong mag-time in ay nagmadali na akong pumunta sa floor ng department namin kahit na may 10 minutes pa naman bago magsimula ang working time. I need to get there earlier nang makain ko ang ipagkain na binili sa akin ni Rex. Sayang din naman kung lalamig. Nang makarating ako sa cubicle ko ay napabuntonghininga ako nang makita kong nakatambay doon ang baklang manager namin na laging naiinip sa buhay. "Good morning, Sir." Simpleng batik o bago pumunta sa cubicle ko. "Table ko po 'yan." "Inaangkin ko ba? Tanga ba ako para hindi malaman?" masungit na sabi nito. Hindi na lang ako sumagot dahil wala talaga ako sa mood makipag-away sa kaniya. "At talagang nang-aasar ka, 'no? Bukod sa nagdala ka ng umaamoy na pagkain dito, mas kinapalan mo pa ang lips

