Kinabukasan, nagising akong halos walang maramdaman, pero bakit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko? Teka...nagising nga ba ako o talagang hindi na ako nakatulog pa simula noong makauwi ako kagabi mula sa paghahanap namin ng singsing ni Ford na gagamitin niya para kay Alexa? Hindi ko matandaang nakatulog ako kahit na isang minuto. Hindi ko nga rin alam kung makakapasok ako ngayon dahil hindi ko talaga magawang bumangon mula sa pagkakahiga. Bakit ba kailangang mangyari sa akin ang lahat ng ito? First, I became the person I never thought I would be. I never saw myself using someone just to become my diversion from the person who would never love me. Second, I never thought I'd hate my company who taught me so much just because of having a gay manager who hates me to eternity, kah

