Kinabukasan ay maagang-maaga akong nagising. Hindi ko rin naramdaman na nakatulog ako dahil sa nangyari kagabi kasama si Rex. Nagpatulong ako kagabi kay Kuya na ipasok si Rex sa bahay at doon matulog sa guest room dahil nga nakatulog na sa sasakyan. Naalala ko pa kagabi na pinagalitan niya ako nang makita niyang may marka ako sa leeg dahil sa ginawa ni Rex. "Cass, saan mo nakuha 'yan?" tanong sa akin ni Kuya matapos niyang maisarado ang pintuan ng guest room na tinutulugan ngayon ni Rex. "Alin?" tanong ko. Itinuro niya ang leeg ko. "Kiss mark." Napanganga ako at hindi sinagot ang tanong ni Kuya. I'll never be comfortable to talk about this thing with him, babaero pa naman ang Kuya ko at alam kong marami siyang sasabihin. "Cassandra, ingat ka. Sa totoo lang, hindi ako boto d'yan." "Ba

