"Bakit ka naman nag-resign? Sayang ang suweldo mo doon, Cassandra." Panghihinayang ni Rex nang malaman na nag-resign ako sa trabaho ko. "I know I said that if you want to resign to your work, then resign. Pero pinag-isipan mo ba 'to, Cassandra? Hindi ka ba nanghihinayang? Ang hirap maghanap ng trabaho ngayon." "Rex, I've used up all my patience for my asshole manager. Binabastos at wina-walangya ang girlfriend mo doon, at mas inisip mo pa ang laki ng suweldo ko doon kaysa sa kalagayan ko?" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "I know but...you're a strong woman, right?" "Yes, I am, Rex. And even the strongest person gives up also. Tao ako, Rex. Kahit gaano ako ka-walang pakialam sa mga sinasabi niya sa akin, nasasaktan ako sa tuwing nagsasabi siya ng masasamang bagay sa akin at sa tu

