Kabanata 2

1237 Words
- Lunch Time - "Saan tayo maglu-lunch?" tanong ni Vanna kay Misha. Naglalakad sila ngayon at nauuna si Misha sa paglalakad samantalang si Vanna ay nakasunod lang dito. "Basta. Sumunod ka nalang," sabi sa kanya ni Misha na patuloy lang sa paglalakad. Ang layo na ng nilakad nila at wala na siyang makitang mga fastfood. Puro bahay-bahay nalang ang nakikita ni Vanna. Hanggang sa makarating sila sa siang karinderya. Sinasabi ko na nga ba... Tumingin si Vanna kay Misha at natawa siya dito. Alam niya kung gaano kakuripot ito. "Karinderya?" tanong ni Vanna. "Oo. Ayaw mo?" sabi ni Misha sa kanya sabay papikit-pikit pa ng mata nito. Hindi naman choosy si Vanna. Nag-expect lang siya na dahil first time siyang ilibre nito ay dadalhin siya sa isang fast food. Pero okay lang naman sa kanya atleast nakakain. Mahirap kung ang ipakain nalang sa kanya nito ng lunch ay candy at tubig nalang. Sobrang katipiran naman nito kung maaari. "Hindi. Nagtanong lang naman ako. Napakakuripot mo talaga," natatawang sabi niya kay Misha. Sa sobrang tipid ni Misha ay hindi alam ni Vanna kung saan iniipon ni Misha ang pera. "Pili ka na. Remember, sagot ko," sabi sa kanya ni Misha habang nauna na itong pumili ng kakainin nito. Sinabi na ni Vanna kay Misha ang pinili niyang order-in. Pagkatapos nilang makuha ang kanilang order ay na-upo sila sa bakanteng upuan. Habang kumakakn sila ay itinuloy nila ang naudlot nilang pag-uusap kanina. "Alam mo, for the first time talaga. Nagsalita ka ng pagkahaba-haba," hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Misha sa kanya habang may laman pa ang bibig nito ng pagkain. Natawa na naman si Vanna kay Misha. Natatawa siya dahil parang ngayon lang siya nito nakitang nagsalita? Na-realize niya na kailangan niyang mag-move-on. Mag-focus para sa career niya. At naisip niya na kalimutan na ang nakaraan at mag-umpisa sa bagong siya. Huminga ng pagkalalim-lalim si Vanna at nagpakawala ng pagkahabang hangin. "Siguro, hindi ko na kailangan pang magmukmok sa isang tabi na sobrang tagal. Siguro, kailangan ko na mag-enjoy. Alam mo na, time with my family and for myself also," mahabang paliwanag niya kay Misha habang nilalaro niya ang pagkain niya. Tumango-tango naman si Misha sa kanya bilang pagsang-ayon nito sa sinabi niya. "It's better. Korek ka diyan! Mas lalo ka lang maii-stress kung puro 'yung ex mong hilaw ang iniisip mo. Siguro naman, for the past six months? Anim na buwan ba?" paninigurado ni Misha sa kanya. "Uh-huh," sagot niya naman kay Misha sabay tango. "I guess. Marami naman nagbago for the two of you," sabi pa ni Misha. Pagbabago? Ngayon pa lang magbabago si Vanna at tingin niya sa dating nobyo niya ay matagal na itong nagbago nang hiwalay na sila noon. Huminga na naman si Vanna ng malalim para kumuha ng enerhiya at nagpakawala ulit ng hangin. "Magsisimula pa lang ako. Pisikal lang ang nagbago sa akin dahil nangayayat nga ako. Siya, matagal nang nagbago," pagtatama niya kay Misha. "Ay! Bitter 'yan?" nasabi nalang sa kanya ni Misha. "Hindi 'no. Syempre, siya naman unang nagbago. Sinasabi ko lang," depensa niya pa dito. "Ay nako, huwag mong pilitin ang sarili mong mag-move-on. Dahan-dahan lang," suhestyon ni Misha sa kanya. Eh? "Sabi mo mag-move-on na ko?" naguguluhan na tanong niya kay Misha. "Ano ka ba, hindi ko naman sinabing agad-agad." Sabay irap ni Misha sa kanya. Ngumiti nang bahagya si Vanna habang nilalaro niya ang pagkain niya. "Ano ba 'yan, Vanna. Kumain ka na nga. Hindi nilalaro ang pagkain. Huwag mong sayangin 'yan. Madaming nagugutom na tao ngayon. Tapos ikaw? Ganyan ginagawa mo sa pagkain," mahabang sabi sa kanya ni Misha. "Lunch break lang natin ngayon, remember?" "Ano ka ba--- kakainin ko rin naman ito. May iniisip lang ako," sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalaro ng kanyang pagkain. "Ano na naman 'yan?" takang tanong naman ni Misha sa kanya kahit may laman pa ang bibig nito. "Wala naman," sagot naman niya pabalik dito at nagsimula na siyang kumain. Pinanliitan siya ng mata ni Misha. "Kaloka ka talaga. May iniisip ka pero wala naman? Ano daw 'yun?" Sabay irap ni Misha sa kanya. Wala naman talagang iniisip si Vanna. Sadyang wala lang siyang ma-isagot kay Misha at iyon nalang ang idinahilan niya dito. "Basta, nakalimutan ko na," natatawa pang sabi niya kay Misha. "Nako, huwag ako, Vanna. Kilala kita," wika ni Misha sa kanya habang pinaliit pa ang mata nito. "Wala nga," natatawang sabi ni Vanna kay Misha. "Kumain na tayo at nang makabalik na tayo sa opisina agad." Ipinagpatuloy na nga nila ang pagkain nila. At sa kanilang pagkain ay napatingin si Vanna sa labas. May nakita siyang babae at lalaki na nag-uusap. Nag-uusap nga lang ba? Ngunit, mukhang nag-aaway ata ito. Hindi makita ni Vanna ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa gawi niya. At ang tanging nakikita niya lang ay ang babae na nagsasalita. Base sa kanilang gestures ay parang inaaway ng babae iyong lalaki. *** "Carlo, don't do this to me. Hindi ko na uulitin," pagmamakaawa ng girlfriend ni Carlo habang ito ay nakaluhod. Naiinis na si Carlo sa girlfriend niya at gumagawa na ito ng eksena. Napapatingin na sa kanila ang mga taong naglalakad. Siya si Carlo Marquez at ang kasama niya naman ay ang nobya niyang si Kate Pelaez. Nakikipaghiwalay na siya kay Kate dahil sawa na siya sa mga pinaggagawa nito. At ngayon ay nagda-drama pa ito. Gusto na ni Carlo makipaghiwalay kay Kate sa kadahilanan ay niloloko na siya nito. Ilang beses na niya itong pinatawad. Pero nauulit pa rin. Paano nalang kaya kung mag-asawa na sila? Paulit-ulit lang ang gagawin nito sa kanya. Sobrang mahal ni Carlo si Kate ngunit hindi na niya kaya. Masyado na siyang bulag at lagi nalang niyang binibigyan ng chance si Kate. Paano naman siya? Pero ngayon ay nakapagdesisyon na si Carlo at alam niya na ang nararamdaman niya kay Kate ngayon ay wala na. Nagsawa na siya sa paulit-ulit nitong rason. "Kate, please." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat upang tumayo si Kate. Iyak pa rin ng iyak si Kate. "C-Carlo, h-hindi ko na uulitin. P-Promise." Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Kate. "Kate, please. Tama na. Ayoko na." Pagpigil niya kay Kate. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Kate. Biglang nagkasalubong ang mga kilay nito. Tinanggal ni Kate ang dalawang kamay ni Carlo na nasa balikat nito. At lumayo ng bahagya kay Carlo. "Bakit?! May iba ka na?" galit na tanong ni Kate sa kanya. Ang lakas ng boses ni Kate at mas lalong narinig sila ng mga taong naglalakad. "KATE!" Tumaas na ang boses ni Carlo kay Kate bilang warning dahil nag-eeskandalo na si Kate sa kalsada. At isa pa ay nasa pinagta-trabahuan ni Carlo sila. At posibleng maraming makakita sa kanila na mga katrabaho ni Carlo. "ANO HA?! SUMAGOT KA?!" galit na sabi pa rin ni Kate sa kanya. Sawang-sawa na si Carlo sa kadramahan ni Kate. Gusto niyang iwan na ito dito pero hindi niya magawa. Pero nagbago din ang isip niya at buo na ang desisyon niya. Niyakap ni Carlo si Kate. Naramdaman niya naman na niyakap din siya pabalik ni Kate. Ginawa niya ito upang matigil na ang pag-uusap nila. "Tama na. Wala na akong nararamdaman sa iyo. Sobra-sobra na pinagbibigyan kita. At maraming salamat sa iyo at nawala na bigla itong pagmamahal ko sa iyo," bulong niya kay Kate at kumalas na siya sa kanilang yakap. Iniwan niya na si Kate sa kinatatayuan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD