Kabanata 1
'Tap-Tap-Tap'
Maririnig ang mga tipa ng mga empleyado sa kanilang keyboard habang sila ay busy sa kanilang ginagawa.
"Ehem." Narinig ni Vanna ang pagtikhim ng katabi niya. Patuloy at seryosong nagtitipa pa rin si Vanna.
Siya si Giavanna Busante o mas kilalang Vanna. Siya ay dalawampu't anim na taong gulang. Isang empleyado sa isang International Data Company as a clerk. Dito niya itinuon ang sarili niya matapos siyang hiwalayan nang kanyang nobyo.
Mayroong bunsong kapatid si Vanna na si Gianne na nagta-trabaho naman sa BPO Company. Ang nanay at tatay niya na sina Anne at Jean naman ay nagta-trabaho sa ibang bansa.
Anim na buwan na ang nakakalipas ay naging tahimik lang si Vanna. Ayaw niya na may nakakausap siya. Bihira nalang siya makipag-usap sa iba--- kung ito ay tungkol lang sa trabaho ay nakikipag-usap siya. Kahit siya ay may problema ay hindi niya na ito sinasabi sa iba--- kahit sa kanyang kaibigan.
Laging may bumabagabag sa isip ni Vanna. Lalo na at mas tumatak sa kanyang isipan na bakit siya iniwan ng walang dahilan ng kanyang dating nobyo.
Anim na taon silang magkasintahan at napapag-usapan na nila noon ang kanilang kasal ngunit nagbago ang ugali ng kanyang nobyo noon. Akala ni Vanna na lahat ng hiling niya na ito na ang makakasama niya habang buhay ay hindi pala. Lahat ng iyon ay hindi natupad.
Nakakabaliw pala ang magmahal at mas lalong nakakabaliw kapag hiniwalayan ka nalang bigla na mababaw lang ang dahilan nito sa kanya na ayaw na ito sa kanya.
Biglang nagsaklob ang langit at lupa. Gumuho ang mundo ni Vanna at nawala ang iniingatan niyang tao. Tingin niya sa buhay niya na naging miserable ito noon dahil sa pag-iwan sa kanya ng dati niyang nobyo. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya at wala na siyang makita na iba pa.
Simula nang hiwalayan si Vanna ng dati niyang nobyo ay halos hindi siya nagkakakain. Iyon at iyon pa rin ang iniisip niya. Halos mabaliw siya sa kakaisip ng bakit?
Bakit iniwan si Vanna ng dati niyang nobyo? Ano ba ang pagkukulang ang nagawa niya dito?
Binalik-balikan ni Vanna noong sila pa. Wala siyang maisip na dahilan para hiwalayan siya nito. Hindi naman siya naging mahigpit dito. Ibinigay niya na ang lahat. Buong-buo ng pagkatao niya. Ipinaramdam niya dito ang buong pagmamahal niya upang ipakita niya dito kung gaano niya ito kamahal.
Isa lang ang tanong ni Vanna--- hindi pa ba siya sapat?
"Ehem." This time ay napahinto na si Vanna sa pagtitipa nang marinig niya ulit ang katabi niya na tumikhim, si Misha.
Ito ay si Misha Del Mundo. Naging kaibigan ni Vanna magmula nang sabay silang pumasok nito sa kumpanya.
Anim na taon na silang magkasama at para na silang magkapatid kung magturingan.
Si Misha ay ma-ingay na kabaligtaran naman ni Vanna. Alam din nito ang tungkol sa relasyon ni Vanna. Kaya naman, alam nito kung bakit nagbago si Vanna ngayon. Ang tanging magagawa lang ni Misha ay ang suportahan at bantayan si Vanna. Lagi nitong sinasabihan si Vanna na magpakatatag. Lagi din na binabantayan ni Misha si Vanna dahil naisip nito na baka isipin ni Vanna na magpakamatay.
Naisip naman din ni Vanna iyon na magpakamatay dahil tingin niya ay wala ng saysay ang buhay niya dahil iniwan na siya ng dati niyang nobyo.
Napakababaw na dahilan pero para kay Vanna ay para siyang nawalan ng gana na mamuhay pa dahil nawala ang napaka-importanteng tao sa buhay niya.
Pero nagising si Vanna sa katotohanan sa sinabi na iyon ni Misha sa kanya--- na madaming nagmamahal sa kanya. At madami pang lalaki sa mundo at hindi siya mauubusan.
Tumigil si Vanna sa pagtipa. "Bakit?" tanong niya kay Misha na hindi lumilingon dito.
"Vanna, huwag mo na isipin 'yun at may ibang mahal na 'yun," biro ni Misha sa kanya.
Huminga ng malalim si Vanna at hindi sinagot si Misha. Ipinagpatuloy lang niya ang pagtitipa na akala mo ay wala siyang narinig. Pero alam niya na nakatingin si Misha sa kanya at nag-aalala. Lagi naman nag-aalala si Misha sa kanya kahit nakukulitan na siya dito nang paulit-ulit sa sinasabi nito.
"Alam mo 'te. Let go na." Napatigil ulit si Vanna sa pagtitipa sa sinabi ni Misha.
"Anim na buwan 'te. Makipag-date ka ulit," dugtong pa ni Misha.
Ilang beses na ba ito sinabi sa kanya ni Misha? Anim na buwan pa lang pero hindi pa masyado nakaka-recover si Vanna. Hindi pa masyado humihilom ang sakit ng puso niya.
Sino ba naman ang hindi makaka-move-on? Lalo na at kauna-unahang nobyo iyon ni Vanna.
"At isa pa, hindi nasusukat 'yan sa tagal ng panahon ng inyong relasyon. Mayroon kasi na sa tagal ng relasyon ay naglolokohan na pala kayo," patuloy na sabi pa ni Misha sa kanya.
Hindi nasusukat sa tagal ng relasyon?
Tumingin si Vanna kay Misha. "Siguro nga hindi nasusukat sa tagal ng relasyon. Alam ko naman iyon. Kung niloko man niya ko--- hindi pa rin madali kalimutan 'yung mga masasayang araw namin. Dahil alam ko, nararamdaman ko na kahit isang kusing ay minahal niya din ako," mahabang litanya niya dito.
Wala na. Wala ng luha pang magbabadyang tumulo pa sa mga mata ni Vanna dahil pagod na siya sa kaka-iyak. Makikita nalang sa kanyang mata ang pagod.
Sa paulit-ulit na binabanggit sa kanya ni Misha ang tungkol sa dati niyang nobyo ay tahimik lang siya.
Hindi madali para kay Vanna ang nangyari. Hindi madali iyon dahil hindi nga naman makakalimutan agad ang taong nagpasaya sa loob ng anim na taon.
Napansin ni Vanna ang pagkagulat sa mukha ni Misha nang sagutin niya ito.
"O-Okay? For the record, ngayon ka lang ulit nagsalita nang higit pa sa dalawa na salita," hindi makapaniwalang sabi ni Misha sa kanya.
Ngumiti si Vanna ng bahagya kay Misha. "Alam ko naman--- kailangan ko lang ng panahon para sa sarili ko. Bago ko buksan ulit ang puso kong sawi," dugtong pa niya.
Matapos sabihin iyon ni Vanna ay nagulat siya nang pumalakpak si Misha. Nagtaka naman siya kung bakit ito pumalakpak.
"Dahil diyan--- magpa-party si mayor. Char! Joke lang. Libre kita ng lunch natin later," masiglang sabi ni Misha sa kanya.
Biglang napatawa si Vanna sa sinabi ni Misha. Kung wala ito sa tabi niya ay baka lagi nalang siyang malungkot.
"Talaga? Ilang beses mo na sinabi 'yan?" may pagdududang tanong niya kay Misha. Dahil alam niyang hindi naman tinutupad ni Misha ang sinasabi nito.
Nakita ni Vanna na nanlaki ang mata ni Misha sa kanyang tanong. "Syempre naman. Promise 'yan mamaya. Pero oh my ghad! Tama ba ang nakita ko? Tumawa ka?" hindi makapaniwalang sabi ni Misha sa kanya.
Napabuntong-hininga si Vanna. "Baka tumanda ako ng maaga kapag seryoso ako araw-araw," biro niya kay Misha.
Iniripan siya ni Misha. "Buti ngayon na-realize mo na. Tingnan mo 'yang mata mo. Nangingitim na 'yung ilalim. Para ka ng zombie tapos nangangayayat ka pa," banat ni Misha.
Sinamaan ng tingin ni Vanna si Misha sa sinabi nito. Alam niya naman sa sarili iyon at pati ang pangangatawan niya ay nagbago din.
"Alam mo, ang dami mong napapansin. Magtrabaho na tayo," pag-iiba niya dito. At nagpatuloy na ulit sila sa pagtipa.