KABANATA 1: VILLA GUADA DEL RIO EL PALACIO
“ANO ba iyan, Sonia! Ano na gagawin natin ngayon? Sa susunod na linggo na darating si Boss Arman!” malakas na bulyaw ni Mama Sang, ang manager ng Hot Babe Resto Bar.
Mahigit dalawampung taon nang namamasukan si Sonia sa Hot Babe Resto Bar bilang ‘Female Taker’ ng bar. Maraming kalalakihan na rin ang dumaan sa buhay ni Sonia, dahilan ng pa iba-iba ng ama ng kaniyang tatlong anak.
Galit na lumabas si Sonia ng Hot Babe Resto Bar dahil sa pambubulyaw sa kaniya ng manager na si Mama Sang.
“Kasalanan ko pa talaga kung bakit lumayas ang mananayaw niya sa susunod na linggo? Huh!” singhal ni Sonia sa sarili.
Habang nag-aabang si Sonia ng jeep ay siya namang pagdating ng kaniyang bagong nobyo na si Waldo, isang binata at 36 taong gulang.
“Mahal! Naparito ka?” masiglang wika ni Sonia.
“Siyempre nami-miss na kita, eh!” wika ni Waldo, sabay yakap at halik sa labi ni Sonia.
“Uuwi ka na ba? Sabay na tayo,” bulong ni Waldo.
Gabi nang marating nina Waldo ang bahay ni Sonia.
“Mahal, ayos lang ba sa mga anak mo na nandito ako?” ani Waldo.
“Huwag kang mag-alala, Mahal. Pamamahay ko ito!” wika naman ni Sonia habang hinahalikan ang nobyo.
Habang naghahalikan ang dalawa sa labas ng pintuan, siya namang pagbukas ni Luna sa pinto.
Si Luna ang panganay na anak ni Sonia. Kahit kapos sa buhay ay taglay pa rin niya ang mga katangiang pisikal at kaakit-akit na mga panlabas na kaanyuan. Panganay sa dalawang magkakapatid na sina Fino 20 years old, at Sheena 18 taong gulang.
Limang taon pa lang si Luna nang iniwan siya ng kaniyang tatay dahil napag-alaman nito na buntis ang kaniyang nanay sa ibang lalaki at iyon ay ang tatay ni Fino. At dahil din sa kawalan at kapos sa buhay kaya hindi nakapag-aral si Luna ng high school.
“Inay! At dito pa talaga kayo sa labas naghahalikan?” wika ni Luna.
Nang marinig ni Sonia ang boses ng anak, agad na silang pumasok ni Waldo.
“Hoy, Luna! Bakit hindi ka pa natutulog, ha?! Pumasok ka na sa kuwarto mo!” Napasigaw si Sonia.
Dahil sa maiksing short na suot ni Luna, lumutang ang kaniyang nakasisilaw na porselana na kutis at mahahabang binti na kahit sinong lalaki ay talagang mabibighani.
Sa pag-akyat ni Luna sa kuwarto ng kaniyang mga kapatid, napansin niya ang nakakikilabot na mga titig sa kaniya ni Waldo habang kagat nito ang pang-ibabang parte ng labi.
“Mahal, isang buwan lang akong hindi nakabalik dito, pero napansin ko ang laki ng pinagbago ng anak mo, ah!" Lumabas ang nakalolokong ngiti ni Waldo.
Kinabukasan, habang nag-aalmusal si Sonia kasama ang kaniyang tatlong anak, bigla niyang naalala ang sinabi ni Waldo tungkol kay Luna.
“Hoy, Luna! Tumayo ka nga!” sambit ni Sonia.
“Bakit po, inay?” nagtatakang wika ni Luna.
“Ang sabi ko tumayo ka muna! Babaeng ito, kung ano-ano pa ang tinatanong, huh!” Singhal niya.
Habang pinagmamasdan ni Sonia ang buong panlabas na katawan ni Luna ay bigla niyang naisip ang malaking event na gaganapin sa Hot Babe Resto Bar sa susunod na linggo.
“Hoy, Luna! Mula ngayon, matulog ka nang maaga at huwag kalimutang alagaan ang iyong katawan, dahil sa susunod na linggo ay dadalo tayo sa isang magarbong party ng kaarawan,” sabi ni Sonia sa masiglang boses.
“Isang Bilyonaryo at nagmamay-ari ng maraming kompanya sa buong Asya ang magbi-birthday, kaya gusto kong maging maganda ka sa paningin ng lahat!” pagpapatuloy niya.
Sabado, dalawang araw bago ang malaking kaganapang tinutukoy ni Sonia.
Maagang gumising si Luna para magtinda ng mga lutong ulam na ginawa niya.
Kabisado na ni Luna ang bawat sulok ng kanilang lugar sa Del Rio Squatter Seaside na katabi ng Subdivision na pag-aari ng Villa Guada Del Rio, isang sikat na Bilyonaryo sa kanilang lugar.
“Magandang araw po, Lola Bening. Nandito na po ang inyong magandang kusinera,” masiglang bati ni Luna.
Si lola Bening ang numero unong customer ni Luna sa kaniyang mga panindang ulam.
“Luna, apo! Mabuti naman at napaaga ang paglalako mo ngayon, kanina pa ako nagugutom, eh!” wika ng matanda.
“Tamang-tama po Lola, isa sa paborito ninyo ang niluto ko ngayon,” wika ni Luna sabay abot ng ulam sa matanda.
“Ayan, dalawang supot ng adobong pusit at isang supot ng pinakbet para sa isang magandang dilag na si Lola Bening!" Ngumiti si Luna.
Nilibot na ni Luna ang buong Squatter Seaside ngunit marami pa ring ulam ang natira, kung kaya’y naisipan niyang maglako sa loob ng Del Rio Subdivision.
“Subukan ko kayang maglako sa loob ng subdibisyong iyan?”
Hindi na nagdalawang-isip pa si Luna, agad siyang pumunta sa subdivision. Lumapit muna siya sa dalawang guard.
“Magandang tanghali po mga kuya! Alam ko pong hindi pa kayo nananghalian kaya dumiretso na ako rito! Bili na po kayo, 20 pesos lang po bawat supot ng ulam. Hinding-hindi kayo magsisisi dahil masarap ito,” nakangiting wika ni Luna.
Patok na patok ang marketing strategy ni Luna sa kaniyang mga ulam kaya hindi siya nahihirapang magbenta ng mga ito.
“Sigurado akong proud sa ‘yo ang mga magulang mo, dahil sa ganda mong ‘yan hindi ka nahihiyang maglako ng mga ulam,” nakangiting wika ng isang guard.
Habang masayang nakikipagkwentuhan si Luna sa mga guwardiya, biglang bumusina ang isang magandang puting limousine.
“Partner! Nandito na si Seniora Guada,” wika ng isang guard sabay bukas sa gate ng Subdivision.
Pagbukas ng gate ay napamangha si Luna nang makita ang kabuoan ng Subdivision. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng Limousine.
“Guard!” boses ng isang babae na nasa 60-65 taong gulang.
“Ulam ba ‘yang nilalako ng bata?” aniya.
“Opo, Senyora,” simpleng tugon ng guard.
“Sabihin mo, dumiretso sa bahay, ha?” wika ng matanda.
Labis ang pagkabigla ni Luna nang marinig ang sinabi ng matanda.
“Napakasuwerte mo ngayong araw Luna, ah! Sigurado ako papakyawin ng Senyora ang ulam mo. Sige na pumasok ka na, dumiretso ka lang tapos sa bandang dulo ng fountain matatanaw mo na ang terrace ng mansion,” wika ng guard.
Habang binabagtas ni Luna ang direksyon patungo sa terrace ng palasyo ay namangha siya sa kanyang nakikita. Ang inaakala niya ay maraming bahay ang nasa loob nito, ngunit isang napakalaking mansyon lamang ang naglalaman ng buong subdivision.
“Wow! Nananaginip lang ba ako?” aniya sa sarili habang tinatapik-tapik ang kaniyang mukha.
“Aray! Totoo nga!” bulyaw niya sa sarili dahil napalakas ang pagsampal niya sa kanyiang mukha.
At nang makarating si Luna sa terrace ng mansyon ay napansin niya ang maamong mukha at magandang babae na nakaupo sa kulay gintong bench chair.
“Halika iha, tuloy ka,” nakangiting wika niya.
Nang marinig ni Luna ang boses niya, naalala niyang iisa lang ang matandang babae sa limousine at ang nasa harap niya.
Wow, ang galing! Siya pala ang sinasabi ng mga guwardiya na si Señora Guada? Ibang-iba ang edad niya sa mukha niya. Parang mas bata pa siyang tingnan kaysa sa akin,” bulong ni Luna sa sarili.
“Magandang araw po sa inyo, Señora Guada. Hindi ko po alam kung magugustuhan ninyo itong mga niluluto kong ulam, pero sigurado po ako na masarap, malinis at masustansya sa katawan ang lahat ng ito!” masiglang wika ni Luna.
Napahalaklak ang matanda sa sinabi ni Luna. “Ang galing mong mag-market iha, ah! Napabilib mo ako, alam mo ba ‘yon? Halika, umupo ka rito at ilagay mo sa mga bowl ang lahat ng ulam na dala mo dahil titikman ko ang lahat ng mga ‘yan!”
Hindi makapaniwala si Luna sa narinig, kaya sinunod na lang niya ang sinabi ng Señora.
Umupo si Luna sa sahig na malapit sa paanan ng Señora, pero agad naman siyang sinaway ng matanda.
“Iha! Bakit diyan ka umupo, tumayo ka at dito ka umupo sa tabi ko." Lalong natahimik si Luna sa ipinakitang kabaitan ng matanda.
Hindi lubos akalain ni Luna na ang isang ordinaryong tao na tulad niya ay pahahalagahan ng isang Bilyonaryong tulad ni Señora Guada.
Habang tinitikman ng Señora ang mga ulam ni Luna, “Totoo ngang napakasarap ng mga ulam mo, ah! Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? At saka ano nga pala ang pangalan mo, iha?” wika ni Señora.
“Maraming salamat po, Señora. Ako po ang nagluto ng mga ulam. Luna po ang pangalan ko, at saka sa may Seaside lang po ako nakatira."
Habang masayang nakikipagkuwentuhan si Señora Guada kay Luna, “Have a Good day, Señora!” wika ng isang boses ng lalaki na nanggagaling sa likuran ng Señora.
“Sarap ng araw niyo, ah! Rinig na rinig ko sa kuwarto ang mga halakhak mo,” aniya, sabay halik at yakap sa matanda.
“Muah! I love you and I miss you so much,” aniya sa malamig na boses habang mahigpit na niyakap si Señora.
“Apo! Kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo sinabi na nandito ka na pala!” nagtatakang wika ng matanda.
"Gusto sana kitang sorpresahin, kaya hindi na kita tinawagan." Ngumiti ito.
"Teka! At kailan ka pa natutong kumain ng mga ganyang pagkain, Lola?! " Nagsalubong ang makapal niyang kilay.
“Halika! Umupo ka rito at sabayan mo akong kumain, alam mo ba na si Luna ang nagluto ng mga ito? Tikman mo masarap ‘yan!” pagmamayabang ng Señora.
“Hindi niyo po sinabi sa akin na mayroon na pala kayong cook dito. Eh ‘di sana nagpaluto na ako. Kanina pa ako nagugutom, eh!” padabog na wika niya.
“Hindi ko siya cook dito, naglalako siya ng mga ulam kaya, tinawag ko na." Napaubo ang apo niya dahil sa sinabi niya.
“Ano?!” Biglang sigaw nito.
“Lola naman, ibig ninyong sabihin hindi lutong mansion ang mga ito, tapos kinakain ninyo?!” patuloy niyang bigkas.
“Hoy, ikaw! Ligpitin mo na ang lahat ng iyan at umalis ka na! Oh itong bayad! Keep the change na lang." Padabog na bumalik ang kaniyang apo sa loob ng mansion.
“Pagpasensiyahan mo na ang apo ko Luna, ha?” wika ng matanda.
“Ayos lang po iyon, Señora. Naiintindihan ko po ang apo ninyo, at saka wala rin po kayong dapat ihingi ng sorry." Ngumiti si Luna.
Tahimik at mag-isang iniligpit ni Luna ang pagkain ni Señora at ibinalik sa kaniyang basket ang mga natitirang ulam.
At nang buksan ni Luna ang sobreng bigay sa kanya ng apo ng matanda, nakita niya ang maraming pera sa loob nito.
“Sampung libong piso?!” Nagulat si Luna.
“Akala siguro ng brat na iyon ay mukha akong pera. Huh! Sa ‘yo na ‘to, hoy! Hindi ako nasisilaw sa pera mo! Akala mo kung sino, mayaman nga sobrang itim naman ng budhi!"
"Kasing itim ng mga piloka mo ang ugali mo! Yabang nito, nanggigigil ako sa ‘yo! Sana sunduin kana ng grim reaper mo!” singhal ni Luna.
Pagkatapos niyang niligpit ang mga pinagkainan ng matanda ay agad na siyang umalis at iniwan ang perang ibinayad sa kaniya ng apo ni Señora Guada.