Chapter 13 ASTRID “Cali.” Mahinang sabi ni Cody habang nakatingin sa babaeng nakayoko at nakatingin dun sa basket. Tiningnan ko narin ‘yung mukha ng babae. Ahh. Siya nga ‘yung hinila ko dun sa bulletin board. Ewan ko pero may something sa babaeng ‘to. “We’re sorry Cali.. na—” Hindi ko na pinatapos si Cody sa sasabihin niya. Para kasi silang aso na sumusunod sa babaeng ‘to. “Look, we’re sorry, okay? It was an accident. Tsaka hindi naman kamahalan ‘yung lab gowns mo. Ang nipis nga ng tela. Madali pang magusot.” Agad kong sabi habang nakatingin sa kanya. Naiintriga kasi ako dun sa ugaling pinakita niya dun sa may bulletin board. There’s just something about her that ticks me off. Tsaka sinabi na ni Cody na ‘wag ko siyang banggain. And that’s too boring. “Astrid, don’t.” Pigil

