Chapter 14 ASTRID Maaga akong umalis ng bahay. Maaga rin kasing busy ‘yung troll na ‘yun sa pakikipaglandian sa girlfriend niya sa cellphone. Nakakarindi pakinggan. Naglalakad na ako sa hallway nang biglang may bumangga sa akin kaya nahulog ‘yung cellphone ko. Sino ba ‘tong lampa na ‘to? Tiningnan ko kaagad ‘yung babaeng nakabangga sa akin. ‘Lara Ley’ ‘Yun ‘yung nasa name tag niya. Napairap nalang ako at tsaka hinigpitan ang pagkakahawak sa softdrinks in a can na hawak ko at tsaka tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bad mood ako ngayon kaya ginulo ko nalang ang buhok ko dahil sa inis. “Mag-ingat ka nga! Hindi mo ba nakikitang may dyosang naglalakad? Panira ka ng araw ko.” Inis kong sabi at pinagpag ang damit ko. “Huh? Dyosa? Sino?” Wala sa sarili niyang tanong

