Chapter 59 TROY “Cali, give this to Troy.” Tiningnan ko lang si Nali na inuutusan si Cali. “Ikaw nalang kaya ‘yung magbigay!” “Gusto mo bang kalbuhin ako ni Astrid ha?! Ibigay mo!” Wala nang nagawa si Cali kaya kinuha niya ang cheese na pinabibigay sa akin ni Nali at nilapag ito sa harap ko. “Abnormal talaga ‘yung girlfriend mo.” Sabi ni Cali kaya mahina akong natawa. “She was never normal anyway.” Sagot ko. “In love na in love si lover boy oh! Asan na ba baby girl ko?” Sinamaan ko lang ng tingin si Cody sabay batok sa kanya. Palusot lang kasi ‘yung nagtatanong siya tungkol kay Astrid dahil gumagapang na ‘yung kamay niya sa grilled meat na pinapalamig ko na. “That’s for my wife!” “Tss. Ako naman bumili ng karne ah! Isang piraso lang naman hinihingi ko!” Sinaksak ko

