Chapter 60 ASTRID “Ayaw mo talaga ah? Teka..” Nag-akto akong bababa sa kama ko kaya pinigilan kaagad ako ni Troy at pinaupo ulit. Inayos niya kaagad ang sinasandalan kong unan at tsaka ang comforter ko. Tiningnan ko lang siya ng masama. “Hindi ka ba talaga magsasalita?” Tanong ko pero wala paring lumabas sa bibig niya. Napapikit nalang ako at nag-tiim bagang. Ayaw mo talaga ah? Hinawakan ko kaagad ang mga pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at pinaharap siya sa akin. Nanlaki kaagad ang mga mata niya kaya umangat lang ang gilid ng labi ko at tsaka ko siya siniil ng halik. ‘Yung tipong hindi na siya makahinga. I’m a swimmer at malamang mahaba ang hininga ko. Hindi pa ako nakuntento at kinagat ko ang lower lip niya. “Ow!” Aniya at binitawan ko siya kaagad at ngumiti ng m

