Chapter 19

3001 Words
"Why aren't you answering? Am I right, right?" Sinubukan kong alamin ang sarili kong nararamdaman. I haven't feel any of feelings for him. I just want to give him a chance to prove that he can do courting me. But, why? How can a man like him? I've just said before, I don't want him to get hurt if it's because of me. But why I can't answer him right now? Am I liar? Liar to my own words? Liar to my own feelings? Liar to find my happiness? Liar of everything? For the second time, I tried to hold his hands. I succeeded. Hindi na siya umalma pa, ngunit ang masama, nagsusumamo niyang paningin ay nanatili sa akin. Hinaplos ko ang kamay niya at bumuntong hininga. Hindi naalis ang pagkatingin niya sa akin. Ganoon rin naman ako sa kaniya. "I want to be honest on you," hindi ko masabi nang deretso ang salita. Hindi ko na makayanan pa ang mga titig niya. Umiwas ako. "I still...l-loved him." Ganoon nalang ang pagkapatak ng luha galing sa aking mata. Agad ko iyon pinalis ngunit sadyang taksil. "It's really hard for me to erase him, Vas-' "I know."suminghap siya at nag-iwas ng tingin. "He was my first love," "And I am here building you a true love." Ang mga banat niya noon sa akin ay talagang kinasusuraan ko. Ngayon ay parang may kung anong haplos sa aking puso. Nararamdaman ko ang pagiging seryoso niya sa mga sinasabi niya. Ang pagpapakatotoo niya sa sailing nararamdaman. Binawi niya ang kamay na aking hawak, muling binuhay ang makina at pinaandar iyon. Paminsan-minsan ay malilingunin ko siya. Hindi na siya lumilingon pa sa akin. Bihira ko lang rin siyang lingunin dahil baka ay matunaw ako, kapag muli siyang lumingon ng may masamang tingin. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate. Pinahinto niya ang sasakyan at nakatingin lang sa manibela. Napansin niya ata na hindi pa ako umaalis, kaya agad niya rin akong liningon. Tingin na tila ba ay pinapaalis ako. "Why are you still here? Get out..again." Hindi ako kumibo. Nanatili lang na mahigpit ang hawak ko sa aking bag. Tanging paghinga lang namin ang naririnig ko, matapos niyang magbitiw ng salita. I can't even look at his dark eyes. Ayokong muli maguluhan sa nararamdaman ko. "Go now, Silva. You don't have to answer my questio-' "Let's make it official, Vash," napapikit ako nang mariin sa aking sinabi. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag, ngunit gano'n nalang ang pagkagulat ko nag biglang hawakan ni Vash ang aking kamay at ang kakaibang boltahe na naman ang naramdaman ko. Kinagat ko ang aking labi nang mag-mulat ako. "I don't believed in hard to get relationship." Hinaplos ng kamay niya ang aking kamay. Nagkatinginan kami, at ngumiti ako sa kaniya. "Relasiyon dapat ang pinatatagal, Vash, hindi ang panliligaw." "Mm..." Iyon lang ay naramdaman ko na ang mahigpit niyang yakap sa akin. Nakangiti kong hinagod ang kaniyang likod at panay ang tingin ko sa rear mirror ng salamin niya dito sa sasakyan. Maingat na hinaplos ni Vash ang aking pisngi nang matapos kaming magyakapan. Hindi ko maintindihan, wala pa naman siyang ginagawa--sinasabing salita, ngunit bumibilis ang t***k ng puso ko. Kung naririnig niya lang sana iyon, baka ay pagtawanan niya na ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya? He's not ideal for me. But I have his heart. "So..we're now in a relationship, huh?" Iyon na naman ang nakakakaba niyang pananalita. Ang lambing sa boses niya, na bihira ko lang kung marinig. Lumabi ako at nagbaba ng tingin, 'saka dahan-dahan siyang tinanguan. "Ah.." Nang mag-angat ko ng tingin sa kaniya ay nakaturo na ang isang daliri sa baba, animo ay nag-iisip. "I could see the future now," "Tsh! Future?" Agad akong suminghal at nag-iwas ng tingin. "Mm.." Paungol siyang sumagot, saka muling hinawakan ang aking pisngi upang mapaharap ako sa kaniya. "Ang landi mo talaga!" Bigla ay nahampas ko ang braso niya. Umawang ang labi nito, ngunit nangisi rin. "Ano?!" "Mm.." Ayon na naman siya sa ungol niyang sagot. "Anong.. Mm-mm ka diyan?" Akmang aambahan ko sana siya ng suntok nang biglang bumukas ang gate namin. Kapwa kami napalingon ni Vash sa nagbukas na iyon. Umawang ang labi ko nang magsilabasan doon ang tatlo kong kaibigan. Kasama nila ang ate ko na nakahawak sa sarahan ng gate. Kumaway ang dalawang babae, saka dumiretso sa sasakyan dala nila. "What the hell are they doing to your house?" Nagkibit balikat nalang ako sa kuryosong tanong ni Vash. Bahay ko? Wow! Siniguro ko muna talagang wala na ang sasakyan ng tatlo, bago ko napagpasiyahang tanggalin ang seatbelt ko, at bumaba na. Sinalubong ako ni Ate na may kunot noong tingin. Hindi naman nabago ang posisyon niya kanina, nang lumapit ako dito at humalik sa kaniya ng pisngi. Bumali siya at liningon ang gawi ni Vash. "Are you two..together?" Hindi nawala ang pagkakunot noo ni Ate, habang pinasasadahan ng tingin kaming dalawa ni Vash. Noon ko pa lang namalayan na nakalapit at umakbay na sa akin si Vash. Nahihiya akong dumistansiya ng kaunti, ngunit mas lalo niya pa akong hinapit palapit sa kaniya. Hiyang lumingon ako kay ate. Umawang ang labi nito at umiling na napasinghap. "Akbayan? Sa pagkakaalam ko..nanliligaw ka pa lang?" Bigla ay gusto kong hilain si Ate pabalik sa loob ng mansion. Sa paraan kasi nang pananalita niya, may iba na siyang pinapanigang tao. "And, it's already 11:00o'clock eksakto. Saan kayo galing?" Pinagkrus niya ang mga braso at tinaasan kami ng kilay. Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Vash at doon na dumistansiya sa kaniya. Batid kong napansin iyon ni Ate, umirap ito at bumuntong hininga ng bumaling sa akin. "Pumasok ka sa loob, Yannie. Mag-uusap tayo 'pag pasok ko." Nagbabanta ang tinig nitong sinabihan ako. "Si Vash, ate?" Hindi ko na halos masabi ng maayos ang dapat kong sabibin, dahil sa panay ang pag-lunok ko. Ganoon nalang ang pagkalaglag panga ni ate. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Mag-uusap kami," iyon ang narinig ko mula kay Vash. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Lingon lang ako nang lingon sa kanilang dalawa kahit naglalakad na ako papasok sa loob ng gate. Halos magsisi ako ng hindi ko na sila matanaw pa. Wala akong nagawa kundi ang tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Tahimik. Tanging ang bukas na TV sa sala lang ang nagbibigay ng mumunting ingay sa paligid. Sinubukan kong ilinga ang paningin ko, para sana hanapin kung nasaang lumalop naroon si Kuya, ngunit bigo ako. Isinabit ko sa may bag's cabinet ang gamut ko at tumungo na sa CR upang mag-shower. Ilang minuto lang ang itinagal ko, nasiguro kong hindi na ako nakakaamoy pa ng kahit anong amoy na hindi kaaya-aya, bukod sa pabangong ginamit ko matapos. Ternong sleep wear silk ang isinuot ko bago humilata sa aking kama. Agad kong binuksan ang aking gadget para mag-DM kay Vash. Arriasilva: -I hope, you and Ate wouldn't have any argumentation. Ingat pauwi. -I can't wait for your reply. I am tired. Good night :) Hindi na nasundan pa ang mga Chinat ko sa kaniya. Basta nalang akong pumikit at hinayaan ang sarili ng makatulog na. Alas dose y media ng madaling araw, naimulat ko ang aking mata dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Antok na bumangon ako at naglakad patungo sa baba. Muntikan pa nga akong matisod sa hagdan pababa. Kinusot ko ang aking mata, nang tuluyan na akong makababa. Panay ang pikit ko dahil sa sobrang silaw sa ibaba. Batid kong sa sala ang ingay na naririnig ko kanina pa. Antok na dumiretso ako doon. Doon ay nadatnan ko ang kuya kong panay ang kanta, habang maraming alak at pagkain sa kaniyang harapan. Malakas ang volume ng kinakanta niya, batid kong aabot rin ito sa silid ng mga katulong. Hindi nga ako nagkamali, katulad ko, mukhang pati ang isang katulong ay nagising rin sa ingay niya. Yumuko ito nang lingunin ko siya. "Nagising ka rin ba sa ingay niyang kapatid ko?" Kahit alam na ang sagot, malumanay ko pa ring tinanong ang batid kong medyo bata pang katulong. Nahihiya itong tumango at nag-angat ng tingin sa akin. "Kanina pa po siya ganiyan, señorita," turo niya sa aking kapatid. Tinanguan ko siya at sinenyasan na sumunod patungo sa kusina. Hindi na nga siguro napansin ng kapatid kong may kasama siya dito sa mansion. Ano kayang nangyari do'n? Kumuha ako ng gatas sa may refrigerator at nagsalin sa dalawang baso. Naupo ako sa may upuan sa may tapat ng sink at inabot ang isang baso sa katulong. Agad niya naman itong tinanggihan dahil nahihiya daw. Hindi naman ako ang tipo ng tao na hahayaang magpadala ang kasama sa hiya lang. Pinilit ko siya nang pinilit, hanggang sa pumayag rin kalaunan. Inubos ko ang gatas at muling nagsalin. Sobrang rindi ako sa ingay ni kuya sa may sala. Nasaan kaya si Ate? Hindi naman problema ang paraan niya nang pagkanta. Hindi matinis ang boses ni Kuya, ngunit talagang madadala ka sa damdamin niya kapag kumakanta. He really loves listening to tragedy songs. Sad songs. Meaningfully songs. Iyon nga halos ang makikita mo sa music list sa gadgets niya. "Kanina po ay hinahanap kayo ng mga kaibigan mo," Naiwan sa ere ang gatas na dapat ay iinumin ko. Ibinaba ko iyon at bumaling sa katulong. Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Batid kong nahihiya. "Ang sabi nu'ng isa, gusto niya daw po sana kayong makausap..pero wala po kayo." Muli niyang itinungo ang ulo niya at rinig na rinig ang pag-hugot niya ng hininga. "Sino sa Kanila?" Puno nang kuryosidad kong tanong. Halos lahat ng katulong ay kilala ang mga kaibigan ko. Simula pa kasi noong first year highschool ay nagpupunta na ang mga 'yon dito sa mansion. At talaga namang mahilig silang makihalubilo sa mga katulong, hindi katulad kong ilag. "Iyong lalaki po," tinanguan ko siya at muli nang uminom. Nagpaalam na ako sa katulong matapos kong maubos ang dalawang baso ng gatas na ininom ko. Siya run ay maghuhuas raw muna ng pinaggamitan namin bago muling bumalik sa pagtulog. Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Baka nga kasi mapagalitan sila ni Manang kung may hugasan na makita kinabukasan. Sa pagpunta ko sa sala, tulog na ang kapatid ko. Inayos ko siya nang paglakahiga sa sofa, bago ako bumalik sa aking silid at natulog. Maraming pinagawa sa amin si Miss Jaye, kinabukasan. Gusto ko na nga sanang mahawakan ang aking gadget para naman makapag-dm kay Vash kung sakali mang busy rin siya. Hindi rin halos kami nagkakasama na tatlo. May mga kani-kaniya kasing trabaho sa eskwela. Hindi pa naibabalik ang mag sketch namin, o kung ibabalik pa nga ba? Halos para naman kasing kakailanganin iyon ni Miss, para hindi niya maibalik? Itatambak sa bahay nila. Naupo ako ngayon sa may dulong silya, matapos naming mag-lunch break nang limang minuto lamang. Sobra na ang pagod na nararamdaman ko. May practice pa ako mamaya sa hall, pero mukhang hindi na kakayanin pa ng aking katawan. Hanggang sa sumunod pang mga araw ay palaging gano'n ang routine ko. Gigising, papasok, uuwi. Nag-DM na rin ako kay Vash, na babawi nalang next time kapag Hindi na busy. At ngayon raw nga ay ang nakatakdang susunduin namin sina Mommy at Daddy sa airport. Linggo ngayon, kaya kahit wala namang pasok ay talagang pagod ako. Hindi ko na inayos pa ang sarili, dahil sobrang sungit ng mga kapatid ko ngayon. Ayaw nang nahuhuli. Naalala ko pa nga ang sinabi ni kuya na, 'Hindi pwedeng palagi ka nalang nahuhuli. Dahil kapag nahuli ka, mapag-iiwanan ka na nila.' Hindi ko tuloy maiwasan maisip na may problema nga ang kuya ko. Suot ang wireless earphone na nakatayo ako sa may gitna nina ate at kuya. Tinutunghay ang mga dumaan na turista, mga OFW person, at ang ilang mga tao pa na dito na halos naninirahan. Inihinto ko ang kanta nang matanawan na ang dalawang tao na naglalakad patungo sa gawi namin. May kasama silang isang matanda. Agad na nagising ako sa pagiging antukin na diwa, at walang sayang mapaglagyan na sinalubong silang yakap. Narinig ko pa ang pagkaalo ni Mommy sa akin. Natutuwa. "Ang payat mo na, anak.." Namiss ko talaga ang boses niya. At higit sa lahat, ang pagtawag niya sa aking anak. Humalik ako sa pisngi ni Mommy nang magkahiwalay na kami. Sunod ay si Daddy naman ang yinakap ko. Katulad ni Mommy, nagtataka rin ito sa ipinayat ko nga daw. At ang huli ay hindi ko lubos na malingonan dahil sa ayon na naman ang magiging istrikto niyang hitsura. Gayon pa man, nginitian ko ito at niyakap rin. "Miss you po, Chairman Raf!" Ginulo ni lolo ang buhok nang bumitiw na kaming pareho sa yakapan. Piningot pa nga nito ang ilong ko, dahilan para ngumuso ako. "Lolo Raf, itawag mo sa'kin apo," nginitian ako ni Lolo at muling yinakap. Sunod rin ay bumati ang dalawa kong kapatid sa mga bagong dating. Hanggang sa mapagpasiyahan na nga nilang mauwi na para makapag-pahinga. Iba't-ibang klase ng mga pasalubong ang dinala nila para sa amin. May mga sapatos, heels, clothes and pants, jewelries for girls, at mga chocolate. Lahat iyon ay pinaghatian naming tatlo lang. Kay kuya napunta ang, black pastel color of adidas shoes. Kay ate naman ang, ocean blue pastel color of adidas shoes. At sa akin ang pinaghalong pink at puting pastel color of adidas shoes. Labis ang tuwa kong pinicturan ito at ipinost sa aking i********: account. Nilagyan ko rin iyon nang caption na, 'Thanks for this :)' Kinagabihan ay nagkaroon na ako nang oras para makipagkita kay Vash. Walang Segundo, minuto, oras na hindi sumagi sa aking isipan na, sinagot ko na nga si Vash. He's now my boyfriend. Kaya ngayon ay babawi ako sa kaniya. Makikipagkita ako sa kaniya, ngunit hindi lang basta makikipag-kita. Eto ang magiging first-date naming dalawa. And first gift rin kung maibigan ko ang ipinabili ko kay mommy na promise ring. Pinag-ipunan ko iyon gamit ang isang buwang baon ko. Kaya pala naisipan kong mag-ipon ay para mabigyan siya ng regalo. Long sleeves button down white top, black high waist pants, and boots ang suot ko. Inayos ko rin ang maalon kong buhok sa pagkaunat nito. Naglagay rin ako ng pabango para maging kaaya-aya naman ang postura ko. Light makeups, eyeliner, ang liptint lang ang inilagay ko sa aking mukha. Nagpaalam na rin ako sa aking pamilya na may pupuntahan lang. Sinundo ako ni Vash sa may tapat ng gate. Nakangiti ko itong sinakubong hanggang sa parehas na kaming pumasok sa sasakyan niya. He was wearing a white polo shirt, black pants and his black adidas shoes. Nakalagay sa aking black satchel Louise Vuitton bag ang regalong ibibigay ko sa kaniya mamaya. "Nakapag-book na ako sa may restaurant. Doon nalang tayo pumunta." Tumango ito at pinaandar na ang sasakyan Walang patid ang pag-ngiti ko habang sinusubukang isipin kung ano ang magiging reaksiyon niya mamaya. Lubos na tuwa ang dumaloy sa buo kong katawan nang maisip na masosorpresa ko nga siya. Na unang beses kong gagawin sa tanang buhay ko. "Ako ba ang dahilan kung bakit panay ang ngiti mo?" "Oo." Nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung ano ang nasabi ko. Napanguso ako nang tawanan lang ako ni Vash. Tuloy ay sobra akong nahiya. Baka mamaya isipin niyang patay na patay ako sa kaniya? Konti. Agad na nagpahanda na ako nang makarating kami sa lugar. Kumain na agad kami ni Vash bago ko pa maibigay ang nais ko sa kaniya. Halata namang nagtataka na siya sa panay kong sulyap at maya-maya ay ngingiti. Hindi ko siya sinasagot kapag nagtatanong na siya. Hanggang sa matapos kami ay dinala ko siya sa mismong rooftop ng resto. Doon ay mismong matatanaw namin ang kagandagan ng gabi. Ang payapang buwan na nagliliwanag sa aming mundo. Inangat ko ang paningin at pinagmasdan ang buwan. Si Vash namay ay yumakap sa akin patalikod, at isinisik ang kaniyang mukha sa aking leeg. Natawa tuloy ako nang marinig ang matunog niyang buntong hininga. "Ilang araw kong nag-tiis na hindi ka makita," kung nakatingin lang siguro ako sa kaniya, batid kong nakanguso ito. Nagpapakyut lang. "Ang dami ring pasiyente sa NU hospital. " "Pangarap mo ang pag-dodoctor, hindi ba?" "Mm.." "Edi magtiis ka!" Tuluyan na nga akong natawa at humarap sa kaniya. Ang kaniyang itim na mata ay agad na nakapagpatigil sa akin. Natuptop ko ang aking labi at nagpipigil. "You're just teasing me, aren't you?" Nagtitimpi niyang tanong. Nagkibit balikat ako. "Am I teasing you, huh? Hindi nga ako nagbibiro?" "Mm..but you're trying to teased me." "I am not." "How sure are you?" Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay binuksan ko ang aking satchel bag at kinuha ang kahita doon. Nakangiti kong sinalubong ang kunot noong tingin sa akin ni Vash. "This.." Dahan-dahan kong binuksan ang kahita. "It's a promise ring." Dalawang singing ang agad na kuminang doon. Ang singsing na siyang pinasadya ko pang ipapinta ang numero at ang unahan ng pangalan namin doon. Magkahiwalay. Nagbaba ng tingin si Vash sa dalawang singsing saka nag-angat ng tingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang pangilidan ng luha sa aking mata, dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. Tinanggal ko ang isang singsing at dahan-dahan iyong isinuot sa kaniyang daliri. "The letter S representing my second name," pinalis ko ang aking luha na siyang dumaloy sa aking pisngi. "I promise to always show my love, trust, and support for you. I will promised not to break any of my promises. Hindi ako mawawala sa tabi mo kahit anong hirap man nang pagdaanan natin." Nginitian niya ako at hinaplos ang aking pisngi. "You're not my first love..but I'll love you as my true love." Sumunod ay siya naman ang kumuha sa isang singsing na natitira. Nginitian niya muna ako bago iyon dahan-dahan isinuot sa aking daliri. "I guess, the letter V representing my name?" Mahinang tumawa kami. "I wouldn't promise anything to you. I don't want to promised if one day it'll gonna be broken. But hell yeah, I will love you till death broke as part. I would cherish every moment that we have done. Loving you as my future wife. Taking any granted if you're the price." Agad ay bigla ko na siyang yinakap sa sobrang pagpapakatotoo niya sa sinabi. "You make me fall in love with you more and...more, baby." -0915
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD