Wala na ang bilog na buwan nang tunghayan ko ang madilim na kalangitan. Tila ay nagsisimula na namang umulan. Wala halos akong ibang reaksiyon kundi ang lumuluha habang tinitignan ang singsing sa daliri. Maya-maya ay ngingiti, iiyak, at tatawa. Para na nga akong tanga sa aking ginagawa. Lubos na nasisiyahan ako nang ramdam ko ang pagtitig sa akin ng aking kasintahan. Nakapalumbaba ito sa railings dito sa rooftop, titig na titig sa aking magandang itsura. Muli kong sinulyapan ang singsing sa aking daliri. Hindi man ito singsing na isinusuot ng mga taong engage o ikinakasal, ito naman ang singsing na pangako. Talagang sobrang saya ko sa gabing ito. I won't promise anything to you. Nakangiti kong sinulyapan ang aking boyfriend. Hindi ko halos maipagkaila na sobrang gwapo niya pala talaga.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


