Chapter 17

2188 Words
Vash sent me home after we have sweet conversation at my kuya's living room in his resto bar. Wala na namang halos mapaglagyan ng tuwa ang aking sarili dahil sa palagi kaming nagkakasundo sa ilang mga bagay na pinagkapareha namin. Hindi na ako magtataka lung isang araw ay ireto ko siya at dalawa kaming kumita sa pambababae niya. Charot. Niyaya ko pa itong pumasok muna sa loob at ipagtitimpla siya nang maiinom, ngunit tumanggi ito dahil may mga cases pa raw silang aasikasuhin bukas ng umaga. Yeah, I forgot. He's taking a medicine nga pala. Mahirap kalaban ang soon to be Doctor na katulad niya. Baka mawalan siya ng oras sa akin. Pero still, I swear, hindi ako magpapaapekto sa gano'n. Makikinig lang ako sa kaniya palagi, dadamayan siya kapag nasaktan siya o kung ano dahil may naging mali siya. At hindi ko siya iiwan. Landi. Nag-shower muna ako bago nahiga at nagpalamon sa Antok. Kinabukasan ay agad akong nag-bukas ng aking cellphone at nag-message kay Vash sa IG. Naunahan niya pa nga ako, eh. Vstephen: -Good morning. Start your day with a smile on your face. :) -I'll pick you up later. -Nag-ayang kumain sa labas sina Ate mamaya. Isama raw kita. -She don't know anything about us, but kuya knows. Napangiti ako at iniimagine ang magiging masungit niya. Hindi talaga ako makapaniwalang sa ganda kong ito, magiging marupok ako sa isang lalaki lang? Hahanap pa ba? I mean, 'yong sure na ako sa kaniya, hindi na hahanap pa ng iba. Yie! Landi talaga. Nagtipa agad ako nang irereply sa kaniya bago tumungo sa banyo upang maligo. Arriasilva: -Good morning too, Handsome. Always start your day with a happiest smile of joker, too. -I'll wait for you, then -Libre? Go! -Madaldal ang kuya mo, Sure akong sasabihin niya rin iyon kaagad. I wore my school uniform and my coat. Naglagay na rin ako ng light makeups sa aking mukha, inayos ang buhok, at naglagay ng lenses with grade. A light brown one. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa wall glass mirror ko. Nag-eexercise namn ako, bakit parang namayat nga ako? Nagiging masaya naman na nga ako, bakit parang lantang gulay ang hitsura ko? Kinuha ko ang aking Louis Vuitton school bag, at pumanhik na patungo sa dining area. Habang naglalakad ay inaayos ko ang pagkakasalampak ng aking earphone sa tainga. Then suddenly I remembered something. 'Stop, Yannie! You're not going to chose him over Keo!' I'm sure she'll gonna hate me for not choosing his biased this time. Hindi naman porket boto ang kaibigan ko sa kaniya, gano'n na rin ang dapat kong gawin? At hindi rin porket nauna ngang gustuhin ko ang biased niya, magpapakatanga na naman ako? To the point na ni-let go ko na ang kung anong mayroon sa amin. Dapat maging masaya nalang siya. Hays. "Good morning to the most expensive sister in the whole world!" Napatakip ako sa aking tainga nang marinig ang napakatinis na boses ng kapatid ko. Dumiretso na ako sa aking silya at inilapag ang bag sa kandungan ko. Nagugutom na talaga kasi ako. Nagsandok ako ng fried rice at tumuhog ng ulam. Panay ang kwentuhan ng mga kapatid ko, ngunit hindi ko na hinayaan pa ang sarili na makinig sa kanila. Puros tungkol naman kasi iyon sa mga kurso na kinukuha nilang dalawa. Hanggang sa matapos ay tahimik lang ako. Sumabay ako sa kanilang dalawa at naunang bumaba dahil deretso akong Hall. At magpapractice. Nadatnan ko doon si Iwyn na nag-susukat nang palaso niya kung sasakto ba sa gitnang itim na tinatawag ng karamihan na bulls eyes. Inilapag ko sa may couch ang aking bag, at lumapit ako sa kaniyang tabi. Sandali siyang lumingon sa akin, bago binalik sa focus ang ginagawa. "Alam mo na?" Aniya ng hindi na ako nilingon pa. Tumango ako at tinignan ang pagtama ng palaso niya sa nasabing bilog. 8! "Maski ako ay nagulat. Hindi niya ginustong masaktan ka, Yannie--' "He wouldn't." Ako na ang pumigil sa maaari niyang sabihin. Nginiwian niya ako, at muling nagsalpak ng palaso sa kaniyang kasangkapan. "Kaya pala umiyak ka that time nang mag-usap kayo?" Nakangiwi niyang tanong. "Nadamay pa ang palayaw ko doon, ah? Ano nga ulit 'yon? He could hurt you, but not me?" Umirap ako at isinandal ang sarili sa may railings. "I thought he was there to asked me about my feelings for him, after he saying sorry for posting my picture to his IG stories. " I explained. "Mm..nakita ko nga 'yon, eh," "And.. I thought you said it to him?" Pinaningkitan ko ito ng aking mata, sinusuri kong siya ba ang nagsabi na may gusto nga ako noon kay Keo. "Stop looking me like that. Wala akong alam sa mga sinasabi mo-' "Weh?" "Duh? Si Jamila at Keo ang palaging magkasama, baka siya ang nagsabi?" Napaisip ako. She has a point. Maski ako noon ay iniisip na baka si Jamila nga ang mag-amin nang nararamdaman ko kay Keo. Masiyado kasing biased any bruhang 'yon. Ayaw sa pagiging maarte ko kuno, kahit hindi naman talaga. Ngumiwi ako at binalingan ang darts na nasa aking tapat rin ngayon. May harang na railings, at medyo may kalayuan ito, ngunit sa banda ko ito nakapwesto, kaya tapat. "May nalaman ka na ba sa maaari nating maging kalaban?" Malumanay kong tanong habang inaayos ang gears na aking gagamitin. "Yeah. Actually, kakapost lang sa labas ng gymnasium ang mga schedule at mga players," "Nakita mo na?" "Nah. Sinabi lang rin." "Tignan natin mamaya," "Sure!" Nagsimula na rin akong mag-practice katulad niya. Hindi naman na masama ang mga nakukuha kong skor. Puros 8 na lang. Nagbabad pa kami doon ng mahigit ilang oras dahil gusto talaga namin ang manalo. Magkasama kaming nagpahinga ni Iwyn at niligpit ang mga ginamit namin sa loob ng hall. May practice pa nga pala kami ng sayaw mamaya. Pabagsak akong naupo sa may couch at inihilig ang sarili. Napapikit ako sa sobrang pagod, habang habol ang hiningang sapo-sapo ko ang noo ko. Lumalim ang couch dahil batid kong naupo sa may tabi ko si Iwyn. "May earphone nga, wala namang tugtog," rinig kong sinabi niya nang kumain niya sa aking tainga ang isang earphone. Ngumiwi ako at nag-mulat ng mata. "Design lang 'yan," pagmamayabang ko. "Pinagmamayabang mo kamong brand new ang wireless earphone mo!" "Tag tipid ka kasi," "Yabang!" "Maganda lang." Umirap ito at nagpapadyak na siniringan ako ng tingin. "Magpatugtog ka naman!" "What sonGS? "Alam mo 'yong sikat na banda?" Kumunot ang noo ko, "I know everything, bruh? Aling banda ba?" "Iyong SB19?" Kinikilig na Aniya. Laglag ang panga na napasapo ako sa aking noo. Nagpipigil na iniwas ko ang aking paningin at lumanghap ng hangin para mapakalma ang aking sarili. "Dali na, Yannie! Patugtogin mo 'yong tilaluha nilang kanta!" Wala akong nagawa kundi ang sundin ang hiniling niya. Buryong hinayaan ko itong sabayan ang tugtog. Panay ang pag-nguso ko, habang siya ay enjoy na enjoy. Wala na nga halos mapaglagyan ang galak niyang isinisigaw ang mga pangalan ng member nito. Maski nga ang sumunod pang mga kanta, sinabayan niya pa rin. Gano'n katindi ang kaibigan kong umiidolo sa kaido-idolo naman talagang grupo. Sabay rin kaming lumabas sa hall at naglakad sa hallway. Napapagilid nalang ako, lumalayo sa kay Iwyn, dahil sa panay ang kanta at sayaw niya habang naglalakad kami. Ako ang nahihiya sa ginagawa ng babaeng 'to, eh! Jusme! "Yeah, yeah, we gonna go up!" Pagkanta niya nang lumiko na kami patungo sa gymnasium. Mariin akong pumikit at nag-isip kung paano mapapatahimik ang babaeng 'to. Ngingisi-ngisi akong dumilat at inilabas ang cellphone ko. Sumipol-sipol pa akong pinause ang kanta. Kasabay niyon ang pagkahinto ni Iywn sa paglalakad, at masama akong tinignan. "Why did you do that?" Naiinis niyang tanong. Nagkibit balikat ako at ibinalik sa bulsa ng coat ang cellphone. "Ang bitter mo!" "Pumunta ka ng concert nila.. Wala kang kanta?" Malumanay kong sabi. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, habang ngingisi-ngising ipinasok sa bulsa ng coat ang magkabilang kamay ko. "Hulol ka, Yannie! Madamot!" Rinig kong sigaw niya at sumunod sa akin. Gano'n dapat ang ginagawa sa mga kaibigan nating kung umasta ay kanilang cellphone o music ang pinakikinggan. Masiyadong nakakalimot na nakikirinig lang, eh. Akala mo ay mga walang cellphone para doon makinig, puros pa reklamo. Lol! Dumiretso ako agad sa sinabing nakapaskil raw na mga gaganapin sa darating na intramurals. Ngumuso ako at sinimulang mag-basa sa unang nakapaskil na nadaanan ko lang. Opening remarks. Naroon napapaloob ang nasabing gaganapin. Ayon na nga ang magpeperform ang paaralan namin at ang nasabing kabilang eskwelahan. Mayroon rin iyong gatherings kung saan ipakikilala ang ilan pa sa mga stockholders ng school. Hauston's Stockholders. Bigla ay napangiti ako sa aking nabasa sa mga sumunod pang nakapaskil. "Namuro Hauston naman dito sa mga listahan," nginiwian ko si Iwyn nang magreklamo na naman ito. Iyon nga rin ang nakita ko Simula pa lang kanina. Halos sa bawat listahan na nakapaskil, Naroon ang mga Hauston. May ilan nga rin kaming makakalaban na kapamilya siguro nina Vash? Maski si Marky Shion ay kasali rin pala sa college basketball team? Namuro nga kauri niyang Hauston ang miyembro, na makakalaban ay ang Minatozaki team, na pinamumunuan naman iyon ni Alejandro. Ang ex ni Ate Rozzane. Wews! "Ysleva Wane Minatozaki Vs Arrianne Silva Hirai?" Bumaling ako sa kay Iwyn nang magsalita ito. Itinuro pa nang hintuturo niya ang nasa chart. "Parang nakita ko na siya before?" "Same," Hindi ko naman pwedeng sabihin na best friend iyon ni Vash. Baka mamaya ay malaman niya rin na nanliligaw sa akin si Vash, asarin niya rin ako. Nanatili nalang akong nakatingin sa chart habang binabasa ang oras ng laban namin noong si Ysleva daw. Tsk! Kaibigan, huh? "Siya 'yong babae na umiyak sa may benches noong isang araw." "Oh? Sa soccer field?" Tumango siya. "Oo! Dinaluhan pa nga siya no'ng kapatid ni Marky, eh?" Bigla ay nag-iba na naman ang awra ko. Wala namang mali sa sinabi niyang dinaluhan, magkaibigan naman kasi ang dalawa. Pero bakit parang nakaramdam ako nang inggit sa kanila? Bakit feeling ko, gusto ko rin ng gano'n? f**k! Nagiging inggetera na ako! Bumuntong hininga ako at tinapos na ang pagbabasa. "Huy! Hindi mo na babasahin pa ang susunod?" Pahabol na tanong ni Iwyn. Tinalikuran ko na ito at naglakad na palayo sa lugar. May klase pa kami ngayong tanghali. Actually, may ipapasa pa kaming sketch kay Miss Jaye ngayon. Ngayong araw na rin kasi ang deadline niyon. Ayoko namang madelay at hindi kaagad niya nakita kung ano ang idinrawing ko sa aking sketching pad. Magkasabay lang rin kaming nakarating ni Jamila at Keo sa aming silid. Ngingitian ko sana sila, ngunit kaagad rin silang umiwas, at nauna na. Kinagat ko nalang ang aking labi at bumuntomg hininga. Pumasok at dumiretso ako sa aking upuan sa dulo. Ipinatong ko sa armrest ang aking siko, at nagpakalumbabang nakayuko. "Sup, Keo, Jamila!" Nakipag-apir pa si Iywn bago dumiretso sa katabing silya ni Keo. Bumali pa si Iwyn palingon sa gawi namin ni Jamila. "Nakita mo na 'yong sa chart?" She was asking Jamila. Tinignan ko sa gilid ng aking mata si Jamila. Mag-krus ang braso nitong nakasandal sa kaniyang silya. "Famous ka, 'te?" Tinarayan ito ni Iwyn. "Yeah..nakita ko na," halata ang kawalang gana niyang sagot. "Mabuti naman! Ito kasing si Yannie, iniwan ako kaagad doon mag-isa!" Baling niya sa akin. Umirap ako at umiwas ng tingin. Ilang sandali pa ay dumating na si Miss Jaye. We was expecting na magtuturo siya ngayon, pero pinapasa niya lang ang mga gawa namin, at lumabas na ulit siya. Naiwan kaming mga estudyante niyang tulala na nakatingin lang sa may pinaglabasan niyang pinto. Sinundo nga ako ni Vash nang mag-uwian na. Halata ang pagod at puyat sa hitsura niya, ngunit parang wala lang iyon sa kaniya. He brought me a flowers too. Ipinagpasalamat ko iyon bago sumakay sa sasakyan niya. Nakangiting nakatingin ako sa kaniya habang pinaandar niya na paalis sa parking ang sasakyan niya. "Where do you want us to go? Do want me to sent you home or have a date with me?" He asked while still on the focus at driving. Nagkibit balikat ako at itinungkod ang aking braso para mas mapagmasdan ko ang hitsura niya. He's now addiction. Joke! Sumulyap siya sa akin, dahilan para ngumiti ako. Narinig ko ang pag-singhal niya at ang pag-silay ng ngiti sa kaniyang labi. "I know that I am really handsome, but stop staring me like you're a fan of me." Here we go again. He's being so mayabang like his brother na rin. "Nasulsolan ka na rin noong si n***o, 'no? Nagiging mayabang ka na rin kasi.."ngumiwi ako at umayos na ng upo. "We're just being honest to everyone." Saglit na naman siyang sumulyap at ngumiti. "So, where do you want us to go?" "Lol? Hindi ba at may dinner date pa tayo with your siblings?" Taas ang kilay kong tanong. Narinig ko ang pagtawa niya bago tumango. "Magiging sagabal lang sila sa sweetness natin Mamaya." Maski ako ay napasinghal sa pagiging korni niyang magsalita. Ano pa nga ba ang aasahan sa lalaking 'to? Bukod sa ungetleman na nga, puno pa nang kalokohan ang buong katawan. I am wondering kung ang magulang niya ay ganoon rin? Nagulat ako nang bigla ay hawakan ni Vash ang aking kamay. Muntikan ko pa ngang maialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Buti nalang at manliligaw ko ito. Nagtama ang aming paningin. Napangiti ako at hinigpitan pa ang pagkakahawak ng aming kamay. Landi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD