"Ang dami namang plastik dito," siniko ko si Jamila dahil sa binulong niya.
"Makisama nalang tayo sa mga college students." Tinaasan ko ito ng kilay at ngumisi.
Isang oras nang makarating kami sa pina-reserved na restaurant ni Kuya. Panay nga ang reklamo ng ilan dahil sobrang kuripot daw ng kapatid ko, na siya namang kinatutuwa ni loko.
Magkatabi ang magkakaibigan na sina Ate Alira, Ate Rozzane, Ysleva, At Teirrah, sa kanang hilera ng silya. Sa tapat nila at magkakasunod ang mga hanay ng lalaki, na sina Kuya Black, Alejandro, Vash at Marky. Nakahiwalay na kami ni Jamila ng pwesto. Magkatapat kami sa pang-dalawahang silya. Umiinom ng frappe habang puros French fries, Burger, Melon juice, and pasta, na libre iyon lahat ni Kuya.
"Pero hanep ang Kuya mo, ah? Sa Edad niya may sarili na siyang resto?" Nagkibit balikat ako at humigop sa aking frappe.
Kahit nga ako at nagtataka. Impossible naman kasing magkaroon si Kuya ng ganitong kagandang restaurant kahit halata na simple lang naman ito kumpara sa mga enggrande na restaurant. Namuro pinaghalong kulay itim at puti na pastel colors ang disenyo nito. Talagang nakamamangha lang dahil akala mo isa itong event sa kaayusan ng mga couch, mesa, at mga curtains nito. Idagdag mo pa na mga estudyante raw pala ng National University of Laguna ang mga nagtatrabaho dito? Hanep!
Kumuha ako ng isang fries at kinain iyon. Minsan akong sumusulyap sa gawi ng mga college students, na agad rin namang iiwas kapag babaling si Vash sa gawi namin. Tinititigan niya talaga ang kagandahan ko.
"Pero Inferness..may naipundar na agad ang Kuya mo kahit hindi pa totally ganap na inhenyero." Ngiting sabi ni Jamila habang Panay ang kain.
Bumuntong hininga ako at sumandal sa may couch.
"Jamila?"
"Oh?"
Paano ko ba sasabihin siya kaniya? Paano ako magtatanong sa kaniya tungkol sa isang nararamdaman, gayong wala naman ata siyang karanasan?
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Kunot noo naman itong nakatingin sa akin habang panay kain. Lol!
"You think..Vash likes me?" Nahihiya kong tanong.
Napakagat labi ako at nagbaba ng tingin. f**k! Hindi sumagot si Jamila. Dahilan para mag-angat ako ng tingin dito. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng hindi naaalis ang pagkakunot noo. Agad rin siyang umiwas at suminghap.
"P-Paano mo naman naman natanong?" Nauutal niya rin na tanong. Hindi nakatingin sa akin.
Lumabi ako nang makaramdan ng matinding hiya sa aking katawan. Bakit nga ba? Naalala ko na naman noong nag-perform kami ng report o debate sa gymnasium kahapon. His words--ang tinutukoy niyang love confession..hindi ko pa rin maintindihan, na bakit sinabi niya sa akin na, malalaman ko rin soon? Ano ba 'yon?
Wala akong nagawa kundi ang ikwento sa kaniya ang lahat. Simula umpisa pa na nag-kabuno kami ng lalaking iyon. Panay lang naman ang pag-ngiti niya habang seryoso pa ring nakikinig. Lahat ng detalye sa bawat pag-uusap namin nung lalaki na 'yon ay kinwento ko sa kaniya. Nakaramdam tuloy ako ng mas matinding hiya nung sabihin kong iba ang paraan ni Vash, kapag titignan niya ako.
"Hindi ko lang sure, pero..parang ganu'n talaga, eh! Feeling ko may gusto sa akin ang joker na 'yon." May paninindigan ko pa ring sinabi sa kaniya. Panay ang pagtaas baba ng aking kilay habang siya naman ay ngumisi lang.
"Assuming ka rin, 'no?" Bigla ay nginusuan ko ito at umayos na ulit ng upo. Epal! Sumubo siya ng fries bago ako muling kinausap. "Porke gano'n siya kung nakatingin sa'yo..gusto ka na agad?"nakangiwi niyang tanong.
"Oo!" Puno talaga ng kompiyansa ang pagkatao ko. "Iba kasi siya kung makatingin sa akin kumpara...kay Keo." She sighed.
"Malamang magkaiba naman talaga sila! Boba mo sis!" Inirapan ko ito at humigop nalang sa aking frap. "Hindi mo dapat pinagkukumpara ang dalawang tao para lang malaman kung may nararamdaman ba ito sa'yo o wala." Ngumiti ako at nagpatuloy lang sa pakikinig. "They're really different, Yannie."
"Hindi ko naman sila pinagkukumpara na dalawa,"
"But, you've just said na magkaiba sila ni keo ng paraan kapag titignan ka? Hindi ba pagkukumpara iyon?"
Humawak ako sa aking suot at nagpipigil na mainis. Ganito kami kung mag-usap about sa maselang topic na dalawa. Palaging salungat.
"Im just asking you kung may gusto si Vash sa akin, kasi akala ko nakahahalata ka rin. But I proved it wrong. I'm sorry." Napabuntong hininga ako at yumuko.
Ipinatong ko sa mesa ang aking kamay at panay buga ng hininga. Naiangat ko ang paningin ko sa kay Jamila nang hawakan nito ang aking kamay. Tears fell on her eyes.
"What if he likes you? Would you accept him and forget your feelings for Keo?" Natigilan ako at kinagat muli ang aking labi. I never thought na isasali niya si Keo sa usapan. YanKeo love team itong kaibigan ko, kaya siguro siya umiyak kasi akala niya tatalikuran ko nalang basta ang nararamdaman ko para kay Keo. No way!
"Ang drama mo naman!" Atungal ko sa kaniya. Binawi ko ang aking kamay at napainom nalang sa melon juice dahul naubos na ang frappé. Feeling ko pinagpapawisan ako kahit naka-aircon naman dito. Gosh! "Siyempre naman hindi, 'no! Nabubuhayan na nga ako dahil unti-unti na akong napapansin ni Keo, tapos sasayangin ko lang..just because that damn Joker confessed his feelings on me?" Patanong ko itong sinabi sa kaniya. Nag-make face pa ako. "No way!" Natawa siya at umiling-iling.
Natapos ang gabi naming iyon na puro kami asaran dahil sa pag-post ni Keo sa stories niya ng picture ko. Maski siya ay kinilig. Malamang! Isang Keathon Oxen Sarmiento lang naman ang idinamay ka sa IG stories niya, with a caption of you light up my day. Lol! Kikiligin talaga kami nung best friend ko. Solid Yankeo kami.
Hindi napalis ang kilig ko kinabukasan. Na puro asaran at movie marathon lang naming magkakapatid sa aking silid. May naganap ring inuman. Puro beer ang alak na dinala ni Kuya, dahil para raw masanay rin kami na hindi lang dapat mamahaling alak ang inumin namin. Dapat rin daw kaming masanay sa normal na inumin, ngunit pamatay daw.
Nakasuot na ako ng ternong chanel na pantulog habang nakikisali sa dalawa. Ginawa ko na rin ang ibang homeworks na isi-nend sa GC namin kahapon. Maaga ring nakatulog ang alaga kong aso dahil sinama ko ito kaninang umaga sa jogging routine ko kapag linggo dito sa villages namin.
"Ano naman ang masasabi niyo sa Resto Bar ko?" Inirapan ko si Kuya, at tumungga sa beer na iniinom ko ngayon. Napalabas dila ako nang maramdaman na tumama sa aking lalamunan ang likido niyon. Ang pakla!
"Ninakaw mo 'yong pinag-patayo mo sa Resto, 'no? Susumbong kita kay Mommy!"
"Oy, Alira! Grabe ka sa Kuya mo! When did you get that kind of words? It's disrespectful, Big sis!" Naghagisan ng unan ang dalawa habang Panay lang ako sa panonood.
Tumawa si Ate nang masapol ako sa mukha. Sumama ang mukha ako at inirapan sila.
"Pero..Ang ganda ng place, huh? Bakla ka ba, kuya?" Muli na naman siyang hinagisan ni Kuya ng unan. Tumatawa niya itong sinalag.
"May Resto Bar lang, Bakla na? Crazy, big sis!"
"Depende..." Hindi ko na napigilan ang sumabat.
Liningon ako ng dalawa. Nagkibit balikat ako at nag-bukas muli ng isang beer, at walang pasintabi na tinungga ko iyon.
Suminghap ako nang muli ko na namang malasahan ang kakaibangp anlasa ko sa alak.
"..baka nagpapagaling ka lang kay Ate Sydney, 'no?" Sumama ang mukha nito at nagkunwaring nanonood na lang. "Tsh! Ang torpe mo talaga, Kuya Black hindi ka Hirai! Napulot ka lang sa damuhan nina Mommy at Daddy!"
"Ews? Sa gwapo kong 'to? Sinong hindi magiging torpe, lalo na at hindi ko naman balak ligawan ang babaeng 'yon..never in my handsome face." Umirap ako dahil sa kapunoan niya ng kompiyansa. May pinagmanahan talaga naming magkakapatid.
Natapos ang naunang palabas. Mas naging tahimik at tutok kami sa pinapanood na anime. We really love watching anime'. Itinigil ko na rin ang pag-inom dahil tiyak kong hindi iyon ang kasagutan sa mga tanong ko sa aking isip. I think..someone's bothering me in my mind? Hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako na hindi ko maintindihan.
Simula kasi nang magkausap kami ni Jamila, hindi na nawala ang pag-iisip ko sa kung anong walang kadahilanang bagay o kung tao man ito.
At tiyak kong may kinalaman rin ito sa dalawang tao, na kahapon ko lang nakilala. Si Ysleva at Teirrah.
Nagustuhan ko sila dahil sa may seguridad ako na mahilig sila sa passion. Pero hindi ko tukoy kung bakit may dapat akong malaman.
'What's happening to me? Bakit ko pinaghihinalaan ang dalawang babae, na halata namang walang pakialam sa akin.'
"Kung ako si Taki.. I would chase her, even if I did lost my own." Bigla at nagsalita si Kuya.
Pagod at antok ko siyang liningon. Panay ang pagluha niya habang tuktok sa pinapanood. Isa pa 'to! Sa t'wing manonood kami ng anime, palagi niyang sinasabi sa amin na 'kung siya ang lalaki sa pinapanood--' katulad rin ngayon, lumuluha siya.
Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Bigla at nakaramdam ako ng matinding awa para sa kaniya--kanila ni Ate Alira. Kung paano nila tinanggap ang parusa ni Daddy, dahil sa hindi nila tinanggap ang pag-aaral ng business, upang masundan ang yapak nila, at manatili naming nakaangat. We're the siblings are still against to his high expectations to us. Hindi tamang kontrolin niya kami.
"But still..still my dreams are the most important to me."
Pinalis ko kaagad ang luhang bago pa lamang lumandas sa aking pisngi. Ganito rin kaya ang magkapatid na Hauston? Sumuway rin sila sa magulang nila, na dapat at hindi nila ginagawa, dahil alam naman nilang hindi sila mananalo..katulad namin.
Si Vash, bukod sa nais niyang malunasan ang sakit ng ate niya, ano pa ang tunay niyang dahilan kung bakit siya ang bukod tanging hindi sumuway.
At bakit pati ako nadadala sa pinapanood naming anime movie na 'to.
Your name.
Kung sana..sana ang pangalan ang maging daan para sa dalawang taong naghihiwalay ng landas..ngayon.