Chapter 12

1936 Words
Dumaan ang ilan pang mga araw. Mas lalo na rin kaming naging busy na tatlo. Si Ate Alira ay sa dami daw ng mga pasiyente sa NU Hospital na kanilang pinag-aaralan, si Kuya Black, na mawawala daw ng ilang linggo, sapagkat mananatili sila sa NASA headquarters para sa darating nilang exams. Habang ako? Ito at pinagpapatuloy ang iniwang aralin ni Miss Jaye. Halos lahat naman kami ay may mga naiwang aralin. Na gagawin namin hangga't hindi pa pumapasok si Miss Jaye, dahil sa family problems niya. Nag-unat ako matapos magawa ang una kong gawain. Ang mag-sketch ng gusto naming pangarap na buhay at bahay. I did sketch my future life and dream house. A simple yet important for me. Hindi ko pa ito nakukulayan, ngunit mangha na agad ako sa angking galing ko. Noon pa man ay mahilig na talaga ako sa pag-sketch ng mga kung anong bagay ang pumasok sa aking isipan. Natutunan ko rin ang pag-luluto at baking kay Mommy, na noon ay may oras pa para sa aming magkakapatid. Napabuga ako ng hininga at tinignan ang aking gawa. "This sketch will reminds me, that no matter how difficult is to achieved this..I would never stop pursuing my dreams." Wala ang tatlo kong mga kaibigan, dahil sinadya ko talagang lumayo muna sa kanila, para matapos na ako sa aking unang gawain. Sariwa ang hangin dito sa may bench kapag hapon na. Wala rin gaanong estudyante ang tumatambay dahil sa wala namang training ang soccer team ngayon. I gave my sweetest smile when I saw a figure of someone in my peripheral vision. Isinara ko muna ang sketching pad ko at sinundan ito ng tingin hanggang makalapit. Dala niya rin ang sketching pad na patuloy sa paglalakad palapit sa akin. "Can I sit here?" Nguso niya sa katabi kong silya na bakante. Ngumiti at tumango ako. "Are you done na ba?" I asked nang makaupo na siya. Tumango rin siya at inilapag sa gilid niya ang sketching pad niya. Bihira nalang rin ako kung gumamit ng aking phone or mga gadgets na mayroon ako. Bukod kasi sa nagiging busy, minsan ay sobrang pagod at tinatamad na talaga ako. Hindi rin ako nakikipag-communicate sa mga friends ko at kanila Mommy at Daddy. Iniiwasan ko lang na mag labas ng salita na siyang magiging pabigat na naman sa akin. Hindi na rin pala talaga nawala sa isip ko ang tinanong ko si Jamila dahil sa pagkakagusto ni Vash sa akin. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko. Dapat si Keo lang, Yannie. He was your first love! May bagay lang na naibigay si Vash sa'yo, na hindi kailanman maibibigay ni Keo. Pero siya lang dapat! I've seen Vash no'ng sabado pa. Hindi naman kasi ako dumadaan sa college buildings dahil pinagbawalan ako ni Ate at Kuya. Marami daw ang naiinis sa akin doon. At bukod sa wala naman akong pupuntahan, baka isipin nilang hinahanap ko talaga si Vash. Slight lang. "Malapit na ang intramurals," bigla ay nasabi ko iyon nang mapatingin ako sa malinis na soccer field. "Our last intramurals in highschool." Nagkatinginan kami at ngumiti. Keo is meant to me. Nirerespeto ko ang desis'yon niya, kahit pa malabo naman talagang magkagusto siya sa akin. Isa siyang dahilan para maging mas inspired pa ako habang nag-aaral. Dahil iyon naman talaga ang dapat na priority ng bawat estudyante. Unahin ang pangarap bago ang taong sasama sa pangarap. "About last time..'yung sa picture mo-' "Mm..Yeah, it's okay." Ngiting sabi ko sa kaniya. He sighed and nodded. "Lasing lang ako..kaya ko iyon nagawa." Nag-pantig sa aking tainga ang sinabi niya. Parang isang ritmo na nagpapatuloy sa pag-tugma, kahit alam nang wala naman itong patutunguhan pa. Nag-init ang sulok ng aking mata. Bago pa man iyon kumawala, umiwas na agad ako ng tingin at pinunasan iyon. Napabuntong hininga ako at pilit na pinanatag ang pananalita. "H-haha...Oo naman!" Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. "Wala namang m-malisya 'yon sa'kin." "I don't want you to be hurt, just because of what I have done." But you're hurting me, by saying the truth. "Hindi mo naman ako nasaktan," nasasaktan ako dahil umasa na naman ako. "But I've hurting someone." Doon ako natigilan. Bakit ko ba pinipilit pa ang sarili ko sa kaniya? Why do I need to compete with my best friend? Why, Ismeralda Wynie? Ang babaeng mas deserving na maging masaya kumpara sa akin. Na mas karapat-dapat na piliin, kaysa sa akin. Na dapat na sa kaniya lahat, ngunit nasa akin..dahil pilit kong kinukuha. Napataas ako ng kilay at napabuntong hininga na tumayo. Inilagay ko sa aking gilid ang sketching pad ko, saka siya hinarap. Not literally in his eyes. "I think..kailangan ko nang mauna? Magkikita pa kasi kami ni Vash para sa..para sa gagawin niya " I lied. Sorry for using your name, Vash. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Basta ko nalang siyang tinalikuran at mabilis na naglakad paalis sa lugar. Doon ko na muling hindi napigilan pa ang aking mga luha. Napatakip ako sa aking bibig, habang patuloy na humihikbi. Ang ilang estudyante na nakasalubong ko ay nagtataka kung bakit ganito ako. Hindi ko naman kayang itago pa dahil sobrang sakit. Dumiretso ako sa may Comfort room at isinara ang pinto. Mahigpit ang kapit ko sa may tiles ng sink at doon ko na ibinuhos ang aking luha. "Bakit ba ako umaasa pa? Hindi naman niya ako kayang mapansin--napapansin niya nga ako..hindi naman katulad ng kay Iwyn!" Tinignan ko ang aking mukha sa salamin. Kumpara noong unang tungtong ko sa paaralan na ito, para akong isang prinsesa. Nagagawa ko ang lahat ng gugustuhin ko, pahihirapan ang mga estudyante, mambubuyo, ibabalandra ang kayamanan ng pamilya, at higit sa lahat napapansin niya ako. Ibang-iba na ako kumpara sa noon. Ang ayos ng aking buhok, minsan ay nakalugay na lang o 'di kaya, simpleng bun. Ang hitsura ko. Noon ay palagi akong blooming dahil Hindi ko nakaliligtaan ang hindi paggamit ng skin care ko. Ngayon ay nagiging haggard na ako. Ang katawan ko, namayat nga talaga ako. Maluwag na ang sleeve blouse ko. Gano'n rin ang skirt. Kumbaga, ang coat lang ang nagsisibling porma ko. In-short, nagbago na ang lahat sa akin. How I wish..my feelings for him..too. Naghilamos ako nang mahimasmasan. Natawa ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Hindi ka talaga pipiliin dahil para kang desperada, Yannie. Masiyado kang umaasa na katulad mo..kaya ka rin niyang mahalin pabalik." Muli na namang tumulo ang aking luha. Agad ko rin iyon pinunasan at suminghap. Hindi ko alam lung paano ako nakarating sa college building. Basta patuloy lang ako sa paglalakad, kahit walang kasiguraduhan kung may landas ba ang pupuntahan ko. I just need someone who is willing to listen to my damn situation right now. Kung sana lang nag-text ako kay Jamila..kaso nakauwi na pala siya. May humintong college students sa aking harap. Gano'n rin naman ang ginawa ko, at nagbaba ng tingin. "You're blocking my way," masungit na aniya. Nagpilit ako ng ngiti at gumilid. Nakita ko sa baba ang paglalakad nito..ngunit tumigil rin. Inangat ko ang aking paningin. Gano'n nalang ang pagkagulat sa kaniya ng mukha, at pagkalaki ng aking mata, nang magtama ang aming paningin. Agad rin akong bumawi at umiwas. Nakapamulsa itong tumawa-tawa at panay ang pagilid-gilid ng niya. Parang tanga. "Why are you here?" He asked me huskily. Suminghap ako at bumaling sa may gilid. Buti walang tao. "Look at me..Silva," hindi ako sumunod. Is he that joker na uutos-utosan lang ako? Porke isa siyang Hauston..e, susunod na ako? Kung si Keo..pwede pa! "Uh," suminghal ako at nag-angat na ng tingin sa kaniya. "What happened to your eyes? " pansin ko ang pangangasar sa tono niya. "Did someone punch it? Or did someone hurt you?" "Parehas lang ang sinabi mo," pinawemangan ko siya at tinignan sa mismong mata. Ngayon mo ako subukan. "Ikaw? Why are you here? Ang sabi ni Ate, busy lahat ng doctors dito? Cutting ka, 'no?" He took a gazed on me. Lumabi ako at umirap. "Uh, Yeah. I have urgent patient but it seems you need me, so..I am here." "Kapal!" Ngumisi siya at lumabi rin. "Stop being pakipot, Silva. I know, I'm handsome." Akmang ihahampas ko na sana sa kaniya ang sketching pad na hawak ko, ngunit naalala ko na mahal pala ito. Tumango nalang ako at inirapan siya. Gosh! Lalo akong magmumukhang haggard sa kaniya! Inakbayan ako ni Vash at sinama sa paglalakad niya. Damn! Panay ang pag-ngiti niya sa mga college students na makasalubong namin. Ang iba ay pinag-uusapan pa kami. Bwisit kang lalaki ka! Basta nalang niya akong ipinasok sa sasakyan niya. Sinara niya iyon bago umikot at pumasok da driver's seat. Isinuot niya ang seatbleat niya, habang tulala pa rin akong nakatingin sa kaniya. Halata ang excitement sa mukha niya. Hindi talaga mawawala ang pag-ngiti at pag-iling niya habang inaayos ang sasakyan, para makaalis na. Sa kabilang banda, muli na namang nagbalik sa akin ang mga masakit na nararamdaman. Kung paano ako umasa, naghintay at nakipag-samaan pa ng loob sa aking kaibigan, dahil lang sa pansariling nararamdaman. 'You light up my day' "Lasing lang ako..kaya ko iyon nagawa." Sana hindi na talaga ako umasa pa na mamahalin niya rin ako. "I don't want you to be hurt, just because of what I have done." Am I being selfish, kapag sinabi kong nasasaktan ako nang higit pa sa inaakala ko? "But I've hurting someone." How about me? Kung alam mong nasasaktan mo siya, paano naman ako? Ako ang lubos na sasaktan kaysa sa kaniya. Ako ang nagtatago ng sarili kong nararamdaman, na hindi katulad niya, na maginhawa na. Nabigla ako ng may biglang may humaplos sa aking pisngi. Napatitig ako sa kaniya. Nanlalabo ang mga mata ko at tuluyan na naman nga akong napaiyak. Nakatitig lang ito sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Nakikita ko rin ang bawat paggalaw ng kaniyang Adams apple. His jaw clenched while his darked eyes never let go of my teary eyes. Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang daliri. Nabigla ako doon, ngunit hindi na umalma pa. "Why are you always here, when I needed someone, who can listen to me?" Natigilan siya sa ginagawa nang tanungin ko iyon. Nag-tama ang aming paningin at agad rin naman siyang umiwas. Bumuntong hininga siya at umayos na sa pagkakaupo. Hindi pa rin naalis ang titig ko sa kaniya. Kumapit siya sa manibela, at panay ang pag buga ng hininga. "Vash..." Pagtawag ko sa kaniya ng pangalan. "Mm?" Tanging pag-ungol lang na salita ang sagot niya, na hindi pa rin ako liningon. I sighed. "I..-' "You don't have to say that..if you'll hurt me..too." "Crush kita..." 'You light up my day' Noon ko pa lang napagtanto ang isang salita na galing sa kaniya. Kasabay iyon nang pag-ka-excite ko, dahil sa pag-post ni Keo ng larawan ko sa IG stories niya. Sobra ang kilig na naramdaman ko, to the point na..nakalimutan ko bigla ang pag-confessed niya dahil sa pangangasar ni Jamila sa kaniya noong nag-celebrate kami. Kumunot at noo ko at umiwas na ng tingin. Napasinghap ako at peke na tumawa. "You're confessing to me, huh? " hindi makapaniwala kong tanong. "You liked me..but you'll never do moves to proved it?" Ngumiwi ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin. "I thought.. Ako lang ang nasasaktan-' "He don't deserved you." He hissed. Nginisian ko siya at nagkibit balikat. "Of course, he don't!" Tumawa na naman ako. "He's afraid of hurting my best friend..Fucking afraid!" "How sure you are?" Patanong niya ring sinabi. Muli akong nagkibit balikat at inayos ng sketching bag, at inilagay iyon sa backseats. "He's the reason why I am always happy before. But he's the reason also, why I am crying while ago." "Because you loved him," "Yeah, I can loved someone too.."hindi nga lang katulad kung paano ako umibig kay Keo. "..If you're started to courting me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD