Set Sail

1521 Words
Bumalik ang istorya mula nung sumakay sina lolo goryo at vita sa isang malaking balsa na ginawa nila mula sa mga sira sirang punong kahoy sa isla nang oros, naglayag sila sa napakalawak na karagatan ng Storm Sea. Ang Storm Sea ay kilala sa napaka-maligalig na dagat sa kadahilanan na kada 6 na araw ay masama palagi ang panahon dito at palaging binabagyo pero pag katapos naman nang anim na araw ay bigla nalang eto kumakalma na halos maging parang salamin na ang tubig dagat neto sa subrang tahimik, Inabangan nang mag lolo ang pag kalma nang tubig nang Storm Sea: Lolo Goryo’ – Vita! Natatandaan mo ba yung panahon na pinipigilan kita umalis nang isla? Vita’ – Opo! Lolo goryo! Lolo Goryo’ – Ang isa sa dahilan nun ay, hindi dahil sa gusto kitang hadalangan sa gusto mo, kundi dahil sa hindi mo pa alam ang misteryo nang mundo. Vita’ – hindi kita maintindihan lolo? Lolo Goryo’ – Maglalayag tayo sa tinatawag na Storm Sea, kung saan palaging masama ang panahon, hindi mo mararamdaman ang sama nang panahon dito sa isla nang oros pero kapag nasa kalagitnaan kana nang dagat ay bigla na lamang sasama ang panahon at nag-kakabagyo na parang ayaw nang dagat mismo ang paglalayag dito. Vita’ – papaano po tayo aalis niyan lolo kung palagi pala masama ang panahon sa Storm Sea na yan? Lolo Goryo’ – wag ka mabahala apo, sadyang mahiwaga ang dagat na yan, kasi sa kada ika-anim na araw netong pagiging maligalig ay napakatahimik naman neto sa ika-pitong araw pero asahan mo na sa ika pitong araw ay ang paglabas din nang mga ibang klaseng nilalang sa dagat. • Sumapit na nga ang ika-pitong araw at naglayag ang mag lolo sa karagatan nang Storm gamit ang isang malaking balsa at isang iniingatan ni lolo goryo na compass, Hindi maipinta ang saya nang batang si Vita sa paglalayag, halos lahat nang parte nang balsa ay paulet-ulet netong pinupuntahan, panay ang mga tanong sa matanda halos hindi na makasagot si lolo goryo sa mga tinatanong nya: Vita’ – Wooowwww! Lolo ganito pala kaganda ang paglalayag, napakaraming isda wooow napakakalmadong nang tubig, lolo malalim po ba dito? Lolo Goryo’ – Lagpas isang bundok ang lalim nyan apo. Vita’ – ok Lolo, ano po ung mga tumatalon talon sa tubig? Lolo Goryo’ – Sila ang mga lumba-lumba. Vita’ – ano po ang ilalim nang dagat? May tao po ba dun? Lolo Goryo’ – Hay! Naku apo, kalma ka lang wag ka masyadong masabik sa nakikita mo, nasa b****a pa lang tayo mas marami kapa makikita habang lumalapit tayo sa gitna. • Bumilog ang mga mata ni vita sa subrang ganda nang kanyang pakiramdam, Umaabot ang paglalayag nang tatlong araw bago makarating sa kabilang dako, umaabot naman nang 6 na oras ang pag tawid sa tinatawang na storm sea kung sakay ka nang isang normal na sasakyang pandagat, ngunit sa kaso nang mag lolo ay tatagal sila nang 8 oras sa pag tawid dito. Dahil walang kalam-alam si vita sa history nang lolo nya ay bigla na neto tinanong ang lolo nya nang may seryosong itsura nang mukha: Vita’ – Lolo meron po ako itatanong senyo? Lolo Goryo’ – Tungkol ba yan dun sa nangyari nung nakaraang lingo? Vita’ – Opo lolo, nung hindi po nangyayari yung insedente sa isla ay hindi ko po naiisip na tanungin kayo tungkol sa mga bagay bagay pero nung dumating po yung apat bigla po akong naging interesado, Sino po ba talaga kayo lolo? At bakit kayo tinawag na God of lightning nang apat na lalaki? Lolo Goryo’ – hmmmm, papano ko ba sisimulan to, sa ngayon apo isa na lang akong matandang hukluban hahaha. Kung natatandaan mo yung sinabi ko sa gubat na dati akong isang lider nang grupo, totoo lahat nang mga yun, at ang apat na lalaki na umatake saten ay mga dati kung estudyante sina Artagnan, porthos, aramis at athos sila ung huling estudyante kung tinuruan. Vita’ – Lolo saan po ba kayo nakatira dati bakit po kayo napunta sa isla nang oros? Lolo Goryo’ – Dati ako nakatira sa palasyo nang anilam. Vita’ – ah! Kaya dun po pala tayo pupunta. Pero bakit naman po kayo tinawag na god of lighting? Lolo Goryo’ – yan ang titulo nang dating hari. Vita’ – ah! Titulo pala nang dating hari, AAAAAAAAAAANNNNNOOOOO po lolo? DDDDAaatii kayo hari? Lolo Goryo’ – oo apo, hahah pero ngayon isa nalang akong matandang naghihintay nang kamatayan. Vita’ – ah! Titulo pala nang dating hari, AAAAAAAAAAANNNNNOOOOO po lolo? DDDDAaatii kayo hari? Lolo Goryo’ – oo apo, isang hari at god of lightning naging tawag saken dahilan din nang kamalayan/abilidad ko. Vita’ – wwoooww lolo kaya naman palak ilala kayo dahil dati kayong hari? Pero matanong ko lang po ilang taon na po ba kayo? Lolo Goryo’ – hmmm 70 yrs old na ako apo sa taong eto, hahahah sumasakit na likod ko sa katandaan. Edad 45 ako nang lisanin ko ang palasyo at yun din ang edad ko nung humantong ako sa isla nang oros, Edad 50 naman ako nang nakita kita sa gubat nang oros. Pero ang pinagtataka ko sino kaya ang nagdala sayo sa isla at ni hindi ko man lang sya naramdaman, kung sino man ang nagdala sayo sa isla nang oros ay isa syang napaka galing sa pagtago nang aura. Vita’ – lolo meron po ba kayong pamilya? Lolo Goryo’ – merrr, ahhh tsk ,humanda ka apo may paparating. • Agad agad humanda ang mag lolo sa pakikipaglaban, napapaisip ang matanda na kapag merong labanan mangyari ay pwede masira ang sinasakyang balsa nila nang kanyang apo, Biglang biglang umangat ang tubig sa harapan nang kanilang balsa at lumitaw ang isang napakalaking level 5 Great white shark monster ang umibabaw sa unahan nang balsa nang mag lolo: Vita’ – whahahahah nanay ko poooo! Isang napakalaking halimaw na isdaaaa loloooooo!!!! Lolo Goryo’ – Apo, kumalma ka, tatapusin naten sya nang mabilisan, iwasan mong gumamit nang kamalayan na pwedeng ikasira nang sasakyan naten dahil kung hindi parehas tayong lalangoy pabalik nang isla nang oros. • Inipon ni lolo goryo ang murderous nya sa kanyang espada at handang handa na umatake kung sakaling may gagawing masama ang malaking pating sa kanila. Nang aatakihin na ni lolo goryo ang pating ay may isang lalaki ang biglang sumulpot sa ibabaw nang malaking pating, sya si First commander of Sea Kingdom “Fang”: Fang’ – Yow! Saludo po sa dating hari nang anilam, salamat po sa serbisyo at paglilingkod sa ating bansa, isang karangalan po ang makita kayo. Lolo Goryo’ – oh! Fang ikaw palay an, hahaha hindi ko alam na nakasakay ka pala sa bagay na yan, hahaha humihina na talaga ang aking pakiramdam. Vita’ – kilala nyo po sya lolo? Hayyyyy mabuti nalang pala. Lolo Goryo’ – oo apo, isang fishman sya, dating opisyal ko sya sa hukbong pandagat ko. Hoy! Fang ano naman dahilan mo at bakit ka naparito? Fang’ – biglang lumohod sa isang tuhod bilang pag galang: sir! nabalitaan po nang Sea Kingdom na nasa isla kayo nang oros at personal sanang bibisitahin kayo nang haring “Uranus” sa isla, pero nang maka-isang linggo meron naramdaman ang sea kingdom nang napakalakas na aura na nagmumula sa isla nang oros kaya agad agad nya akong pinapunta sa isla para mag-imbestiga, pero nang matingnan ko ang isla sa malayo ay nasira na ang buong isla, natagalan po ang pag-punta ko dito paumanhin po, pinapa-abot po nang haring Uranus na kung sakaling matagpuan ko po kayo,”masaya daw po sya na malaman na buhay pa kayo”, pinapaabot din nya po din ang ilang pag-kain at kayamanan galing sa aming kaharian. Lolo Goryo’ – hahahha! Isang malaking karangalan saken na maalala pa ako nang hari ng sea kingdom, inihagis ang gintong barya kay fang: ibigay mo yan sa haring Uranus bilang kapalit nang tulong na binigay nya saken ngayon, pakisabi na lang na umahon sya minsan at uminom kami nang alak. Fang’ – Masusunod po sir, kung mararapatin nyo po sir pwede ko po bang itanong kung ano po itong gintong barya na ito? Tsaka tatawid po ba kayo nang storm sea? Lolo Goryo’ – hahha yan ang gold coin of honor, pakibigay nalang sa hari alam na nyan kung ano ang halaga samen nyan. Maari mo ba kaming ihatid sa Gate of Storm sea? Fang’ – Ggogogold of honor!!!! Sir malaking gantimpala po sa sea kingdom sir ito! Walang dahilan po ako tumanggi sa alok nyo, Ihahatid ko po kayo sa Gate of Storm sea pero hanggang sa dulo lng po nang aming nasasakupan dahil pwede po etong maging mitsa nang gyera kapag lumabas ako sa aming nasasakupan. Lolo Goryo’ – Ok na yun Fang, kami nang bahala sa pag tawid nang Storm Sea. Fang’ – Sir! huling katanungan na lang po, Sino po ang binatang kasama nyo, kulay pulang buhok na may matipunong katawan? Lolo Goryo’ – Apo ko sya! Fang’ – Aaapppoo nyo? Edi aaannnak sya nang, Lolo Goryo’ – Naku! Hindi! natagpuan ko sya sa gubat nang oros kaya tinuring ko na syang parang tunay kung apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD