Pinahila ni fang sa alaga nyang pating ang balsa nang mag lolo at nag simula na sila sa paglalayag patungong gate of storm sea. Manghang mangha si vita sa katanyagan nang kanyang lolo. Hindi mapigilan ni vita na tanungin ang kanyang lolo:
Vita’ – Lolo hindi po matatawaran yung katanyagan nyo. Lolo ano po ba yung gintong barya nay un?
Lolo Goryo’ – Binibigay yun nang hari nang bansa sa kanilang magigiting na mandirigma bilang isang sagisag nang paglilingkod sa bansa at mamamayan neto, nakuha ko yun nung naipanalo namen nang haring Uranus ang isang digmaan sa karagatan nang “Cube” nung kapwa opisyal pa lang kami nang royal palace of anilam. Sa iba isa lang itong ordinaryong barya at nagkakahalaga eto nang kayang bilhin ang boung syudad pero para samen dalawa nang haring Uranus higit pa sa material na bagay ang halaga nang baryang yun.
Fang’ – paumanhin po sir, sa ilang minuto po ay mararating na naten ang pinto nang Storm sea.
Vita’ – Lollllllooooo! Aaano po ung malaking estatwa nang lalaki sa gitna nang karagatan?
Lolo Goryo’ – nandito na tayo apo, yan ang pinto nang Storm sea, ipinatayo ko yan nung hari pa ako nang palasyo bilang gabay sa mga taong nagbabalak tumawid sa karagatan.
• Manhang mangha si vita sa ganda nang nakikita nya, nang marating na nila halos ang pintuan ay nag paalam narin si Fang sa mag lolo at lumubog na sila nang alaga nyan pating sa ilalim nang karagatan.
Vita’ – Lolo sino po yang estatwa na yan at dyan nyo pinalagay ang estatwa nya?
Lolo Goryo’ – Sya ang dating hari nang palasyo ng anilam, Sya rin ang ama ko, ipinalagay ko yang estatwa na yan bilang pagkilala sa mga nagawa nya sa bansa at gabay na rin sa mga tatawid nang Storm sea.
• Nang makapasok na sila sa pintuan nang storm sea ay sinabi ni lolo goryo kay vita na sasagwanin nila nang mabilis ang storm sea at tatagal yun nang 8 oras nang walang pahingahan.
Lolo Goryo’ – Vita sadyang napakapanganib nang karagatang eto, kaya sasagwanin naten eto nang mabilisan hangang makalagpas tayo nang storm sea.
Vita’ – okay po lolo.
• Sinagwanan nang mag lolo nang mabilis ang karagatan nang storm sea, ngunit nang maka dalawang oras na sila sa pagsasagwan ay meron na agad na sumugod sa kanila na malaking halimaw isang Giant Sea lion, gulat na gulat ang mag lolo at lalong napabilis pa ang pag sagwan nila sa katakutan baka masira ang balsa nila, hinabol sila nang hinabol nang halimaw pero naiiwasan naman eto nang maglolo hanggang sa napagod na ang halimaw sa paghabol, basang basa ang maglolo at kapwa hinahabol ang pag hinga, napatigil sila nang bahagya sa pagod pero muli rin naman bumalik sa pag sagwan:
Vita’ – hahaha! Akala ko katapusan na naten lolo?
Lolo Goryo’ – hahaha! Ako din apo, sige bumalik na tayo sa pagsagwan.
• Muling bumalik ang mag lolo sa pag sagwan, ngunit nang makailang minuto ay biglang napansin ni lolo goryo na parang nawawala sila, umiikot nang umiikot lamang ang kanyang hawak na compass at hindi nagbibigay nang direksyon,Unti-unti na rin kumakapal ang hamog at hindi na nila makita ang kapaligiran, isang haka haka nung matagal na panahon sa karagatan ng storm sea ay may isang lugar kung saan nawawala ang mga naglalayag at kailanman ay hindi na nakabalik:
Lolo Goryo’ – Apo! Hindi gumagana ang compass, umikot ikot lang eto, kung hindi ako nagkakamali meron isang kwentong bayan ang umuugong matagal na panahon na, meron isang parte sa karagatan na eto, kung saan nawawala ang mga naglalayag kapag napapasok ka sa lugar nay un.
Vita’ – Lolo paano na tayo nyan? Ano po kelangan nateng gawin?
Lolo Goryo’ – Kung hindi ako nagkakamali eto ang tinatawag nilang Bermuda Triangle sa iba tinatawag nila etong pusod nang dagat, naalala ko pa yung sinabi sakin dati nang kasamahan ko na si haring Uranus, kung sakali mapadaan sa Bermuda Triangle ay ang sikreto para makita ang katotohanan ay kelangan mawala ang hamog sa paligid nito.
• Inutusan ni lolo goryo si vita na balutin nang kanyang pinakamalakas na protection aura ang kanilang balsa kasi hahawiin nya ang hamog gamit ang kanyang aura, nang mabalutan n ani vita ang kanilang balsa nang kanyang “Moderate Protection technique” (Great Wall), tantsya na ni lolo goryo na sapat na ang moderate protection para maisalba ang balsa sa gagawin nya ay agad nae to tumalon nang mataas, nagpakawala nang isang malakas na murderous aura ang “Highest Murderous technique” (Explosion), subrang lakas nang aura na sumabog nawala lahat nang hamog sa paligid, nawala ang ulap sa kanilang tapat,nabasag ang protection na ginawa ni vita at nagdulot nang pag alon sa karagatan sa lakas nang aura na pinakawalan ni lolo goryo, hindi naman masyadong naapektuhan ang balsa sa tulong na rin nag protection aura ni vita, nang di sa kalayuan sa kanilang balsa ay nakita nila ang isang parang bundok na halimaw sa laki:
Vita’ – Lollllllooooo, iiiisaang halimaw, ano yang hayop nayan lolo?
Lolo Goryo’ – Sssssshhhhhhh! Wag kang maingay. totoo nga ang haka-haka nang mga tao, na kaya nawawala sa Bermuda ang mga naglalayag dito ay sa kadahilanan na kinakain eto nang isang napakalaking halimaw na si “Leviathan” isang lvl 50 monster, may kakayanan pala ang halimaw na eto para linlangin ang nasa paligid nya gamit ang kanyang aura. Maswerte lang tayo apo kasi nagkataon na natutulog sya.
• Agad agad naman na nakaalis ang mag lolo sa Bermuda, nang nasa labas na ang maglolo nang Bermuda ay Nakita nila ang wasak wasak na mga sasakyang pandagat na nagkalat sa labas neto, nagpatuloy lang sila sap ag sagwan, mag hahating gabi na nila bago pa nila makita labasan nang storm sea:
Lolo Goryo’ – Vita, malapit na tayo sa labasan nang karagatang eto.
Vita’ – Lolo paano nyo po nalaman na malapit na tayo sa labasan nang Storm Sea?
Lolo Goryo’ – Vita, nakikita mo yang paghahati nang dalawang kulay nang karagatan? Yung kulay matingkad na asul ay kung nasan tayo ngayon at yung mapusyaw na asul yun naman ang labasan at yan din ang karagatan nang pupuntahan nating lugar.
Vita’ – Lolo napakaganda nang karagatan! parang tubig at langis ayaw nila magsama.
Lolo Goryo’ – pero may isa tayong problema apo, sa tantsya ko aabutin pa tayo nang halos isang oras bago makalabas dyan,
Vita’ – Ano naman pong problema dun lolo?
Lolo Goryo’ – ang problema apo ay matatapos na ang ika-pitong araw magsisimula na ulet sumama ang panahon sa karagatang ito.
• Nang bago pa matapos ni lolo goryo ang huli nyang sinabi kay vita, bigla bigla nalang dumilim at kumapal ang kaulapan, nagmadaling sumagwan ang maglolo nang napakabilis at halos hindi na lumalapat ang balsa sa subrang bilis nang kanilang pagsasagwan, ngunit agad din naman sumama ang panahon, lumaki ang mga alon nung una sin lalaki lang bahay hanggang umabot eto nang sin lalaki na nang bundok, lumakas ang agos pabalik paloob nang Storm sea, humangin-umulan at kumikidlat nang napakalakas, halos hindi na makaalis ang mag lolo at ibinabalik pa lalo sila sa loob nang storm sea nang sama ng panahon:
Vita’ – lolo, hindi po tayo umaabante bagkos ay napapadpad pa tayo papasok!
Lolo Goryo’ – masama eto! apo sagwanan mo lang nang todong pwersa mo!
• Buong pwersa ni vita ang ginamit nya sa pag sasagwan pero halos hindi parin sila umaabante, halos matamaan na sila nang malalakas na kidlat at halos masira ang kanilang balsa sa lakas nang alon, tumayo sa harapan si lolo goryo nang balsa at tinitingnan nya kung nakaharap ba sila sa labasan nang storm sea, napansin ni lolo goryo na nakaharap naman sila sa labasan ng storm sea nang biglang may lumabas sa kanilang napakalaking alon at hindi na nila makita ang labasan sa pagkakaharang neto sa labasan, agad-agad naman si lolo goryo pumunta sa hulihan na bahagi nang balsa at nag salita nang:
Lolo Goryo’ – apo! humawak ka nang mabuti! “Highest Murderous Technique”(Death Thrust)!!!!!!
• Isang napakalakas na pagsabog ang naidulot nang Death thrust ni lolo goryo at nagresulta eto nang pag takbo nang kanilang balsa nang napakabilis, umahon ang balsa sa katarikan nang alon at nagsilbi pa etong parang platform upang sila ay lumipad nang mataas at tumilapon nang malayo, napataas nang niliparan nang maglolo at habang nasa himapapawid sila ay nakita nila ang labasan na Storm sea:
Vita’ – lolo, ang labasan nang storm sea nasa harapan po naten.
Lolo Goryo’ – oo Apo! Kumapit ka lang nang mabuti at matindi ang pagbagsak naten.
Vita’ – lolo, tunay ngang kakaiba ang karagatang eto, dun sa labasan nang storm sea wala akong nakikitang kahit kaunting alon napakakalmado.
Lolo Goryo’ – oo Apo! Yan ang Sea of Nozul, ang karagatan kung saan nag-papalit kalakal ang lahat nang lugar sa bansa.
Vita’ – Lollllllooooooo!, babagsak na po tayyyyyyyoooooooooOOOOOOOOUUUUUUUUU!!!!!!!
• Napakabilis nang pagbagsak nang mag lolo sa labas nang Storm sea ngunit nahulog sila na parang isang napakalaking bato sa tubig sa lakas nang pagkakabagsak nato sa Sea of Nozul, lumubog nang halos 10 metro ang lalim neto sa dagat kasama ang mag lolo, nang lumutang eto sa ibabaw ay wasak wasak na ang balsa nang mag lolo.