"Tarlac City, officially the City of Tarlac, is a 1st class component city and capital of the province of Tarlac, Philippines." masayang saad ko sa mga batang kinder
Guro ako sa isang pribadong eskwelahan dito lang din sa Tarlac. Nagpasya kasi na magaya ang mga magulang na ilibot ang mga bata ng kinder dahil wala namang pasok.
"Tarlac is best known for its fine foods and vast sugar and rice plantations. Historical sites, fine food, vast plantations, a beautifully landscaped golf course, and so many other attractions" dagdag ko pa
"Ma'am kami po may bukid kami po tapos po ung tanim tubo po" saad nang isang estudyante ko
"Kami din po ma'am may palayan po kami"
"Kami din! Kami din!"
"Kami marami kami kalabaw!"
"Kami baka po tsaka kambing hihihi"
"Kami din po!"
Natuwa naman kaming mga parents sa mga bata. Halos lahat pala sila ay may kaya.
_
"Kayo po ba ma'am taga dito po?" tanong sa akin ng isang estudyante
"Oo naman, dito ako lumaki"
"Dito nyo na pong gustong tumanda?" tanong ng isa pang kalalapit lang
"Hmm, pwede na rin. Pero wag muna nating isipin yon dahil bata pa si Teacher" natawa naman ang mga magulang sa sinabi ko
"Oo nga, ilang taon na nga uli kayo Ma'am?" tanong ng isang parent's
"Ah, 25 lang po"
"Bata pa! may asawa kana po ba?"
"Ah wala pa po" natatawa kong sagot
"Ma'am kung matagal na kayo dito edi memorize nyo napo mga pasikot sikot dito?" tanong ng isang bata
"Oo naman, libot din kasi ako nung college ako" ani ko
"Talaga po?"
"Oo! alam moba yang isang kanto dyan?!" turo ko sa bata tumingin naman lahat sila
"Pagdumiretso ka dyan may dalawang kanto pa dyan tapos pagpapasok ka sa kaliwa tapos diretso lang tapos may isang kanto sa kanan na wala ng bahay puro bukid nalang. Don nakatira si Mang Toto ung nagtitinda ng fishball" kwento kopa
"Talaga ma'am?! bat alam nyo po?"
"Sabi naman sayo libot ako eh" natawa naman sila
"Napunta napo ba kayo don?"
"Ah dati aksidente lang kasi ang akala ko ay don ung daan sa bahay ng kaklase ko bale parang naligaw lang ganon. Pero ayon nakita ko si Mang toto may kubo sya don"
"Wow paglaki kopo gusto ko din pong libutin ung Tarlac hehehe"
"Oo, libutin mo pero dapat may kasama ka" ani ko pa
_
"San napo tayo pupunta ma'am?"
"Ah ang sabi ng mama mo gusto nyang puntahan ung Sunflower Farm eh"
"Talaga po?Marami pong sunflower don?"
"Ha?Oo naman madamii"
"Oo pero wag kang lalayo sa mama mo ha?Maliit ka pa naman eh parang maze yon" tatango tango pa sya
Nakarating kami sa Sunflower Farm masarap na magtatakbo dahil hapon na. Hapon napagisipan na lumibot ng mga parents para hindi daw mainit at para makatulog agad sa gabi ang mga bata
"Wow! gandaaa" medyo malakas narin ang hangin kaya tuwang tuwa ang mga bata
"Oh mga bata wag lalayo-" huli na ang lahat dahil tumakbo na sila
"Ma'am hayaan nyona maliit lang naman ung Farm eh madali lang silang hanapin" sabi ng isang parent's
Pero kasi maze ang Farm na ito at ilang lakad lang ay bukid na maggagabi na. Hindi kona sinabi dahil muka naman wala silang pake heheh
Umabot na ang isang oras at napagod na sila kakapicture hindi na nga lumalapit ung mga bata pagtinatawag dahil kanina pa sila poctire ng picture.
"Ma'am Sana sa susunod na pupunta tayo dito ay may anak kana din" biro pa sakin ng isang magulang
"Sana nga po hehehe"
Wala naman akong asawa pano ako magkaka-anak hehe.
"Uwi naaaa!" sabi nung isang bata
"Tara na, tara na at anong oras na" saad nung isang nanay
Tumayo nako at nagayos nagsimula na silang tawagin ang mga anak nila at ako naman ay nagbilang.
20 ang mga estudyante ko pero 15 lang ang sumama sa libot na ito dahil busy raw ang iba.
one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine-
Nine lang ang mga bata na nakaakay sa mga magulang nila, napatingin naman ako sa ibang magulang na pumasok pa sa maze para magtawag
"Nasan sila Byran?katie?" tanong ko sa bata
"Po?ewan ko po" sagot sa akin
"Byraaannn?!"
"Paulooooo?!"
"Diaaaaa?!"
"Caaaattt?!"
"Jeyjeyyyy?!"
"Voooon?!"
"Sasaaaaa?!!"
Sigaw ng mga magulang lumapit naman kami at nakisigaw. Pinasok muna sa kotse ang mga bata baka magtatakbo pa at isa pang hanapin
"Loko loko pa naman ung mga yon baka naglaro pa ng tagu taguan!" sigaw ng isang magulang
Umabot na ang 30 minutes wala parin kaming nakikita. Kinuha kona ang cellphone at tumawag sa police na kaibigan ko
"Wassup yags"
"Gago andito kami sa sunflower farm nawawala ung anim na estudyante ko! Madilim na wala na kaming makita!" sigaw ko sa kanya
Umiiyak na rin ang mga magulang sa nangyayari at dumating narin ang mga asawa nila
"Sige yags papadala na kami. Pero dalawa lang kasi yags may inaayo-"
"Dalian nyo nalang!" sigaw ko at pinatay na ang tawag
"Parating na daw po pero dalawa lang" kako
"Bat dalawa lang?!" sigaw nila sakin
"May inaayos po yata sila sa Police Station" paliwanag ko
"Magrereklamo ako kung hindi ko makikita ngayon ang anak ko!"
_
Dumating na ang dalawang police at nagpatawag narin ng ibang tanod para makita ang anik na bata. Pinauwi na rin ang ibang magulang dahil baka ano pang mangyari
Ako naman ay nanatili doon at nagtuloy sa paghahanap. 12:30 am na pero wala parin kaming makita napalayo na kami ng kasama kong isang police
"Ma'am malayo na yata tayo"
"Oo, wag kang magalala dahil memorize ko naman ang lugar hindi tayo mawawala" saad ko sa kanya napakamot nalang sya ng batok
Nagpatuloy kami sa paghahanap at pagsisigaw ng mga pangalan nila. Umupo muna ako sa gilid dahil kanina pa kami naglalakad.
"Paano ba sila nawala ma'am?"
"Ewan, nagtatakbo na kasi sila pagkarating sa don sa Farm"
"Bat ba kasi hindu binantayan alam namang malilikot ung mga bata" asar na saad nya
Oo nga dapat binantayan ng maigi
"Balik na kaya tayo?" tanong ko
"Pero ma'am may kanto pa oh try natin baka umiiyak na ung mga yon" nagaalala din pala
"Tara"
Pumasok kami sa kanto at nakitang tahimik na dahil nakapatay na lahat ng ilaw ng mga bahay. Kapansin pansin din na oonti nalang.
Napatigil kami sa paglalakad dahil dalawang kanto ang sumalubong sa amin. Napakamot naman sya sa batok
"Paano to ma'am?Unahin nalang natin tomg kanan tapos balikan na natin mamaya tong kaliwa"
"Hindi na, ikaw na sa kanan ako sa kaliwa para mabilis ang paghahanap" ani ko at kinuha ko ang isang flashlight nya at namulot ng isang kahoy
"Lah? ma'am-"
Hindi kona sya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad at pagtawag sa mga bata. Onti nalang din ang bahay muka pang walang tao sa mga yon.
Nagpatuloy nako paglalakad at pagtatawag. Napatigil ako ng bumukas ang isang pinto
"Sino ka?" tanong nya
"Ah Ma'am sorry po may nakita po ba kayong dumaan na mga bata dito kaninang hapon or ngayon ngayon lang?"
"Ay iha kagigising ko lang eh, maghapon akong tulog sandali gigisingin ko ung anak ko" ani nya at pumasok na sa bahay nila
Huling bahay nato sa kanto na pinasukan ko. Nang ilibot ko ang ilaw ng flashlight ay medyo naaninag ko ang isa pang kanto sa kanan.
"Ano ba yon ma?"
"May nakita ka raw bang bata?na dumaan dito?"
"Bata?oo yata ma kanina diko na pinansin kasi baka dumalaw lang ung kapitbahay natin dyan na may anak" saad ng anak nya habang nakapikit pero nakatayo na
"Nakita moba kung ilang bata?"
"Po?ah ilan?ahmmmm madami yata ewan" ani nya at humikab sumandal sya sa pinto at nakatulog na yata
"Sige po magtutuloy lang po ako dito baka po andito lang sila" kako
"Pero iha, bukid na yan"
"Opo baka lang naman po, sige po salamat"
"Sige sige, hintayin kita dito"
"Po?"
"Hintayin kitang dumaan pauwi kasama ung mga bata iha, sige na"
"Sige po, salamat po" kako at nagpatuloy na sa paglalakad
Pumasok nako sa kanto at nagtawag na uli hindi kona pinansin ang dilim dahil kanina pako nagaalala para sa mga bata.
"Bryaaaaannnnnn" tawag ko
"Jeyjeyyyyy" kako
pero wala parin
Inikot ko uli ang flashlight at nagulat pa ng dumapo iyon sa isang bahay. Medyo malaki ung bahay pero kung para sa iba ay kubo lang ito.
"Tao po?!Tao po?!" tawag ko
Hindi ako lumapit sa pinto at nagtawag sa malayo. Pinakahawakan ko pa ang kahoy na hawak ko.
"Tao po-! ay!" gulat akong napaharap sa likod ko dahil may humawak sakin
"Iha! sorry nagalala kasi ako sayo kaya sinundan na kita"
"Ay ganon po ba" ani ko habang hinihingal
"Oh?Linda?"
Bumukas ang pinto at lumabas ang isang matandang lalaki
"Toto"
"Mang Toto"
"Oh?anong ginagawa nyo dito? hating gabi at andito kayo?"
"May napadpad po-"
"Teacher!!!!" sigaw ng isang bata sa pinto at tumakbo sakin
"Jusk!andito lang pala kayo!" ani ko at niyakap sila
"Ay estudyante moba sila iha?umiiyak sila nung nakita nung pamangkin ko eh kaya dinala sa bahay ayaw pa nga sumama pero naalala daw nila ung bahay ko" paliwanag ni mang toto
"po?" gulat na tanong ko
"Teacher?sinabi nyo kaya samin kanina ung bahay ni mang toto!"
"Ano bat kasing ginawa nyo! bat kayo umalis don sa Farm?!"
"Sorry na Teacher, tumakbo kasi si Bryan eh sumunod kami"
"Pumasok muna kayo, at magpahinga"
_
Pumasok kami sa bahay at nakita ang nakalatag na banig. Mukang nakahiga na sila kanina.
"Ang sabi nila ay bukas nalang daw sila uuwi nung makakain dito dahil inaantok na."
"Ganon po ba wait po tawagan ko muna parent's nila" kako at kinuha ang cellphone
Pero bago pako magtype ay hinila na nila ako.
"Teacher sya ung lalaki kanina si Kuya DanDan!" pagpapakilala nila don sa lalaki
"Kuya sya ung teacher namin"
"Talaga?o magsorry kayo ang lilikot nyo" utos sa kanila nung lalaki
May muka ung lalaki at siguro nasa bandang 23 yrs old.
"Sorry po Teacher"
"Ah, Wendy" pagpapakilala ko at inabot ang kamay
"Daniel"