AYEN

1115 Words
"Takbo sa gilid!" sigaw ko sa isang kasamahan Tumakbo naman sya at tumakbo ako sa isa pang kanto. Mukang nakuha naman ng ibang polisya ang pinahiwatig ko kaya gumalaw na rin sila. Andito kami ngayon sa Isla kung saan nakakuha kami ng report na nakita raw dito ang Most Wanted ngayong taon. Nagsend din sya ng proof na napababa ang lalaki sa isang hagdan. "Hoy! dead end ung sa dulo! pakisabi umikot sila dahil baka akyatin yon!" sigaw sakin kaya kinuha ko ang walkie talkie "Magabang don sa likod ng pader, Over" kako at tinanggal na tumakbo parin ako Pero ng mapansin kong mababa lang ang mga bubong doon at kayang kayang akyatin. Kinuha ko ang isang kahon sa isang tabi at umakyat. Mas mapapadali rin ang paktakbo kung andito ako sa taas muka namang matitibay ang mga yero. Tumakbo nako at sa di kalayuan ay nakita kona sya. Tumatakbo sya sa mga kanto pero iisang destinasyon lang ang dulo ng mga yon. Muka syang takot na takot habang lumilipat ng mga kanto o pasikot sikot. "Upo!" sigaw ng chief na kasama namin "Ang sabi ko ay Maupo ka!" sigaw parin sa kanya Pero nanatiling nakatayo ang lalaki at hingal na hingal. Bumaba ako sa Yero at lumapit nadin. Hindi parin sya gumagalaw, posibleng naghihintay lang sya ng tyempo kung kailan susugod. "Akala ko....." saad nya habang hinihingal "wag kana magsalita-" "Akala ko si mama ung humahabol sakin!" sigaw nya Dahil sa sigaw nya ay nalaglag ang tapis nya sa muka. Hingal na hingal sya at parang nabunutan ng tinik. "Bat nyo po ako hinahabol?!" sigaw na tanong nya pa Napaupo pa sya dahil sa hingal. Gulat na gulat kaming mga polisya at hindi nakapagsalita. "Hindi ikaw si Daniel Yuebes?" tanong ng isang polisya na kasama namin "Ha?! Nanay at apat na ate ang kasama ko sa bahay sa tingin nyo magagawa ko yon?!" sigaw nyapa napatampal naman sa noo "Eh bat kaba tumatakbo?!" sigaw sa kanya ni Chief "Kasi nalaman ni mama nabuntis ko jowa ko eh! Alam ko hahabulin nyako ng itak" paliwanag nya "Wag na tayo magubos ng oras dito! Balik sa paghahanap! Hindi tayo pwedeng bumalik ng ganyan ang paliwanag kay Chief!" _ Andito kami ngayon sa presinto nila at pinapanood kung paano sermonan ang lalaki kanina "Ikaw talagang bata ka! Ayan tignan mo lumaki pa ung problema ng mga police sa ginawa mo! ang akala pa nila ay ikaw ung criminal na!" sigaw sa kanya "Aba eh bat ang sabi sa balita ay nahuli nyo na raw?!" "Wag po kayong maniniwala hanggat hindi mismong polisya ang nagsabi" "Psh, sinasabi mo bang dapat ay kayo lang ang paniwalaan namin?!" sigaw na tanong sa kanya nung babae Napataas nalang kami ng kilay sa sinabi nya. Ano daw? "Sige na, iuuwi kona tong anak ko at kailangan ko pa syang pagsabihan " ani ng babae at hinihila na ang anak "Sige po" tumango nalang sila at umalis na ang dalawa "Malakas ang kutob kong kakampi nya yon! Nakatakas na ung criminal na hinahanap natin dahil nabigyan sya ng kontinh oras sa ginawa nating paghabol sa lalaki" paliwanag ni Chief Alam naman naming lahat yon dahil halata rin sa lalaking medyo nanginginig nung nagtatanong kami kung bakit sya tumatakbo. "Boss, namukaan raw syang sumakay sa isang bus papuntang Tarlac" report nung isang kasamahan naming inilagay ni chief sa paradahan ng Bus "Sa ngayon po ay may kasama syang dalawang police sa loob ng Bus na sinasakyan. Pero hindi po tayo pwedeng gumawa ng kung ano dahil ang alam nila ay nahuli na natin" Ano mang oras ay pwede na naming syang hulihin dahil may dalawang police na andon pero may mga inosenteng tao. Paano kung gawin nyang hostage iyon. "Anong hindi pwedeng gumawa ng kung ano?! Wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng media! Hulihiin sila ora mismo! Dahil kapag nakawala yan ay mas lalong malaking problema!" sigaw sa kanya "Boss, marami po kasing inosenteng tao sa loob ng bus-" "Pakealam ko sa kanila! ung ginagawa rin natin ngayon ay para rin sa kanila!" sigaw ni Chief Okay na sana ung huling sinabi nya pero bakit kailangan pang sabihin ung una, tsk. "Boss hindi po ba pwedeng kababa nalang nung criminal?para walang masaktan na tao don sa bus. Kasi boss pwede syang manghostage don baka meron pang mamatay" alalang saad ng isang polisya "Isang tao lang naman, hindi kawalan ang pilipinas kung mawawalan tayo ng isang tao-" "Siraulo kaba? Naririnig moba ang sinasabi mo?" natinag kaming lahat sa pumasok Sundalo, na kung titignan ang uniporme ay mas mataas pa sya sa lahat ng andito ngayon. "Fidel" "Quirino, oo desperado tayong mahuli iyong criminal pero hindi ko hahayaanv may mamatay dahil lang sa lalaking yon" kalmado ang boses nya tipong kahit nasa tamang lugar ka ay lahat ng masasabi mo ay may panlaban sya "Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo" saad sa kanya nung sandalo Nanatilinh nakatingin lang sa kanya si Chief at medyo pinagpapawisan. "Posasan nyo" lahat kami napatingin sa kanya Tinignan nyako at tinuro ang posas sa uniporme ko at itinutok kay Chief. Bahala na, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi nya kaya lumapit ako sa kanya. Pagkalapit ko ay ipinuwesto nya narin ang kamay sa likod at pinosasan kona. Hindi na sya nagsalita dahil siguro nasampal na. "Isakay nyona pabalik at doon tayo magpplano sa presinto nyo. Nakausap na ang anak ng gobernador at siniguradong magtatagal sya sa Tarlac" saad nya at lumabas na Lumabas na rin kami at sumakay sa sasakyan. Hindi ko kasama ang Chief na pinosasan ko sa sasakyan pero tumatawa ang mga kasama ko. "Gago ka pre, nagulat ako nung lumapit ka. Kahit ako ay poposasan ko sya pero ung sayo parang kahit hindi inutos ay gagawin mo eh" natatawa nyang saad "Hindi maganda ung sinabi nya" kako nalang "Hmm, hindi rin ako natuwa. Ang sabi ko pa nga kaya ko naman yata sya patumbahin magisa." napailing nalang ako _ Kinulong sya sa isang selda habang hindi pa dumadating ang abogado nya dahil maski ang chief sa main building ay nasapak sya. "Panong nangyaring magtatagal sya sa Tarlac?" tanong ng Chief namin "Base sa sinabi ng anak ng gobernador ay may hinahanap syang babae" "Babae?" "Oo, babae. Nakatira iyon sa Tarlac pero hindi alam ang eksaktong lugar." "Panong babae?Hindi ko maintindihan" "Ako din. Pero sa ngayon ay magfocus tayo sa kung sinong hinahanap nya." "May alam ba kayo kung sino? i mean sinabi ba ung pangalan?tangina ang hirap mo namang kausapin Jiro eh!" sigaw sni Chief sa sundalo "Ayen daw! Ayen ung pangalan ok na?" "Ayen ano?!" "Ayen nga!" "Ayen nga! anong apilido?!" "Wala! Ayen lang one name ganon!" Ayen?Sino si Ayen sa buhay mo Daniel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD