WANTED

1075 Words
"Andito po tayo ngayon sa harap ng Wano Police Station kung saan kasalukuyang nakakulong ang hinihinalang lalaking umanong nagkakalat ng mga maseselang bahagi sa internet" saad ng isang reporter habang nakaharap sa camera Nakaharang kami sa harap ng presinto dahil masyadong maraming reporter ang gustong pumasok at alamin lahat ng pangyayari "Pero makikita po natin ngayon ang mga polisya na nakaharang. Hindi po ba pwedeng magpapasok kahit isa lang?Marami pong gustong makaaalam ng nangyayari ngayon?!" tanong sa akin ng isang reporter "Maghintay nalang kayo, dahil kahit kami ay hindi pa alam ang lahat" tangging sagot ko "Hindi pa po ba tapos ang imbestigasyon?" tanong ng isa pa "Hindi pa, marami pang kulang" "Sir totoo po bang kasama ang anak ng isang gobernador sa mga nabiktima ng lalaking yon?!" tanong pa ng isa At dumamj na sila kaya hinila nako isang kasamahan ko at isinara agad agad ang pintuan ng office dahil masyado silang marami "Hindi pa ba nagsasalita?" tanong ko Umiling lang sila at bumuntong hininga. Lumapit ako kay Sir James na nakaharap ngayon sa laptop ng salarin. "Ano ng nakita mo?" tanong ko "Tangina pre, hindi ko kayang tignan ung isang files. Pangalan palang ng files hindi na maganda." saad nya sa akin Kumuha naman ako ng upuan at tumabi sa kanya. Nagsuot ako ng gloves at kinuha iyon sa kanya. Tinuro nya kung saan nakalagay ang File na sinasabi nya at ako na mismo ang tumingin. "Tangina" Yon lang ang nasabi ko sa nakikita ko ngayon. Punong puno ito ng mga maseselang video at picture. May iba pang folder na ang pangalan ay iba iba pang pangalan. Meron pang isa na puro soc lang pero nakaayos sa iisang folder. "Ang dami" saad ni James sa tabi ko Hindi na namin pinalapit ang ibang kasamahan dahil inalis kona din agad. Kinalma ko ang sarili dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. "Boss! May nakakita raw kay Daniel Yebues sa isang isla!" napatayo naman agad kami Kumilos na sila para tawagan ang malapit na police station doon. Oo, wala pa dito ang lalaking iyon dahil ng makarating kami sa dati nyang tinutuluyan ay mga gamit nalang nya ang andon. Halatang nagmadali sya dahil onti lang ang damit na nadala nya. Pero hindi pa namin masabi sa media iyon dahil hindi pa man kami nagbibigay ng impormasyon ay may nasabi na sila. "Hindi na natin sya pwedeng mapakawalan ngayon! Ngayong nakita ko na ang ibang gawain nya!" sigaw ko sa kanila Ako ang Chief dito sa police station sa Wano. Sumunod naman agad sila, at ang iba ay nagayos para pumunta sa isla na yon. Malayo iyon pero may sasakyan naman daw at nagpumilit sya. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Chief Pierto na may dala dalang folder. Umupo ako sa lamesa ko at tumayo sya sa harap non "Nakumpirma na sya nga ang nagbebenta ng mga maseselang bahagi at ang malala pa nito ay pinopost din nya iyon sa isang porn site." report nya Chief sya kabilang bayan na Station. "At nakausap rin namin ang ibang biktima nya na tinulungan umano raw silang magkapera." "Ano?!" tanong ko "Eto panoorin mo" ibinigay nya sakin ang isang cellphone Pinindot ko ang isang video roon na may kinakausap sila. Nakatakip ang mga muka nila. "Anong relasyon nyo kay Daniel?" "Tinulungan nya ho kami" "Sa anong paraan?" "Sa ano daw po, makikipagvideo call daw po kami sa mga foreigners tapos maghuhubad" "Pinilit ba kayo?" "Sa totoo lang po hindi, kailangan po kasi talaga namin ng pera at yon nalang po ang nakikita naming pagasa" "Pero-" "Opo, hindi po tamang kumapit sa patalim pero wala naman po kayo sa posisyon namin at hindi nyo alam ang hirap ng buhay. Hindi po kami pinilit ni Kuya na magganon minsan nga pong sinira ni Kuya ung cellphone dahil ayaw nya po kaming nakikitang naggaganon" "Pero sya parin ang nagpakilala sainyo sa mga yon." "Opo, nung una po talaga ay tinutulak lang po kami ng nanay ko. Pero ayaw po ng ganon ni Kuya kaya nagbibigay nalang sya ng pera pero hindi po kasi sapat yon kaya nakialam po ako sa laptop nya at ginawa yon wala narin po syang nagawa" "So ang dating ngayon ay ung parents nyo ang nagpumilit" "Hindi! Yang Daniel na yan ang nagpumilit sa amin! Itanong mopa sa ibang babaeng biktima! Yang Daniel na yan ang nagbenta sa anak ko!" sigaw ng isang babae "Alam nyo po ba kung gaano kasakit sa akin na malaman na ganon pala ang ginagawa ng anak ko para lang may makain kami?!" sigaw din ng isang babae "Naghuhubad sya sa harap ng camera at gustong umiyak pero may hawak na latigo yang lalaki na demonyong yan sa likod ng camera!" sigaw nung isang batang babae ang hula ko ay nasa 16 lang sya "Ang akala ko ho ay matutulungan nyako dahil ang sabi nya at tawagan ko lang sya pagmay kailangan ko ng tulong! Lumayas ako samin dahil minumulestsya nako ng magulang ko pero ng makarating ako sa bahay nya ay mas malala ang ginagawa nya!" saad ng isang babae habang umiiyak Pinatay kona ang video at bumuntong hininga. "Ilang babae ang nakita doon sa dating paupahan nya?" tanong ko "Sampo" napatampal ako sa noo "Iba pa don ang binibisita nyang lumang bahay don lang sa kabilanb barangay" nagulat naman ako sa sinabi nya "Ano?!" "Yeah, sobrang daming babae ang andon. Nakakulong sila kaya kailangan pa naming sirain ung lock don bakal na pinto. Nang buksan namin yon at nakita kami ng mga babae ay nagsi iyak sila sa tuwa" "Tangina" "Nalaman din nung isang kasamahan na kalat din pala ang account nya sa iba ibang chatting apps na nagbebenta ng maseselang bahagi" "Don sa laptop nya ay maraming video" ani ko sabay turo sa laptop sa lamesa ko "Ang daming biktima, hindi namin makausap iyong anak ng gobernador dahil nagsara sila ng mansyon" ani nya "Kasama ba talaga yon?!" tanong ko "Oo, maraming screenshot ng thread nya. Nagkakilala sila sa isang chatting apps at nagkagusto daw sya sa lalaki pero ang hindi raw nya gusto ay kada kagabi nanghihingi sya ng maseselang pictures o video. Tapos ung babae takot maiwan ayon" napailing nalang ako "Hindi nila matanggi iyon at malaking problema yon. Biktima ang anak nya" Hindi ko talaga alam ang gagawin sa lalaking iyon kapag nakita kona sya. Tangina nya! Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa wanted poster nya. WANTED DANIEL YUEBES
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD