[Samantha] Tumaas ang kilay niya ng makita na tumatawa ang mama niya habang kausap si Zandro. Kung noon na sila pa ay baka matuwa pa siya dahil mukhang magaan ang loob dito ng ina niya. Hindi katulad kay Jc hindi nito nagustuhan. Pero ngayon ay wala siyang makapang tuwa sa dibdib. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng tumuloy rito si Zandro. Sa loob ng dalawang buwan ay wala itong ginawa kundi magpalakas sa mama niya at kausapin siya. Pero syempre ay hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon. Asa! Hindi na siya madaling mabola ngayon, noh! "Anak!" Natigil siya sa panonood at agad na nagtungo sa kusina para puntahan ang mama niya. "Mamili ka sa talipapa," Ani ng mama niya sabay abot ng listahan sa kanya. "Bilhin mo lahat 'yan. Napilay si Pablo sa pagbabasketball kaya hindi siya m

