[Samantha] Nagpatuloy sa panliligaw sa kanya si Troy. Wala siyang makitang mali sa ugali nito. Pati ang buong pamilya nito ay mabuti rin. Ang mama niya ay mukhang masaya din sa kanya. Mukhang ngayon pa lang ito naniniwala na naka-move on na siya kay Zandro. “Anak, ihatid mo nga ito do’n sa kabilang bahay.” Kumunot ang noo niya ng makitang mga bagong punda, unan, at kumot ito. “May bagong nangungupahan, ma?” Mayro’n kasing tatlong bahay ang kapatid ng mama niya. Ang tatlong ‘yon ay pinapaupahan sa mga dayo sa murang halaga para may pansamantalang matutuluyuan ang mga ito. “Oo, anak. Mukhang artista nga e, ang gwapo kasi.” Bulong pa nito. Napailing na lang siya at mahinang natawa. Mukhang gwapo nga talaga ang nangungupahan dahil pinuri ito ng kanyang ina. Hindi kasi ito ang tipo na

