[Samantha] “Ano ba, Zandro!” Kanina pa niya hinihila ang kamay na nilalagay nito sa bewang nito. Aba, hinatid-sundo lang siya ‘gusto pa atang may bayad na yakap mula sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwag bukas kay Mila ang mga sinabi ng binata kanina. Tiyak na magtataka ‘yon at mag iisip na baka mayro’ng namamagitan sa kanila. Dahil hindi tinitigilan ng binata ang kababalik sa kamay niya sa bewang nito ay pinagbigyan na niya— Paano kasi ay bumibitaw ito sa scooter. Ayaw naman niyang madisgrasya sila. Di naging kasalanan pa niya. Nag init ang pisngi niya ng madama ang mainit na likod nito sa dibdib niya. ‘My god! Biglang uminit bigla!’ Napaikot-mata na lang siya ng marinig ang pagkanta ni Zandro. Mukhang natutuwa ito dahil magkadikit ang katawan nila. Habang papalapit sila

