[Samantha] Pagdating nila sa bahay ni Zandro ay agad siyang tumuloy sa kwarto niya. Tumingin siya kay Zandro nang sumunod ito sa kanya. “You okay, darling? You looked uneasy.” May pag aalalang sa mukha na tanong nito. Bumuga siya ng hangin. Gusto niyang sabihin rito ang tungkol sa nakita niya. Pero sino ba siya para i-tsismis ang nasaksihan niya? “Pagod lang ako.” Aniya sa binata. Nang ilapag niya ang bag niya sa maliit na mesa sa kwarto niya ay nalaglag ‘yon dahilan para magkalat ang laman nito ‘na agad namang dinampot ng binata. Kumunot ang noo nito ng makita ang isang cellphone. “Ah, kay Troy ‘yan. Naiwan niya kasi kanina sa room. Bukas ko nalang ibabalik sa kanya ‘yan.” Paliwanag niya. Natigilan siya ng mapansin ang pagdidilim ng mukha nito— Mukhang papatay ito ng tao. Napabunto

