[Samantha] Dama niya ang kilabot sa buo niyang katawan. Sa tuwing tatawagin siya nitong ‘Love’ ay kinikilabutan talaga siya sa hindi malamang dahilan. O baka dahil iyon ang tawag sa kanya noon ni Jc, at magkaboses na silang dalawa. Tumingin sa mukha niya ang binata habang inilalagay sa likod ng tenga niya ang buhok niya. “Nakakatuwa namang marinig na bukal na sa loob mo ngayon ang pagsilbihan ako. I like that, Samantha, natututo ka na at alam mo na ang dapat mong gawin para mapabuti ka.” Bumulong ito sa tenga niya sa nakakatakot na paraan. “Dahil sa suwayin mo ako ay hindi na ako mangingiming gawin ang plano ko sa’yo… Oo, baliw ako sa’yo pero mas baliw ako sa pera.” Anito sabay halakhak ng malakas. Sumenyas ito sa tauhan na bitiwan na si Pablo. Nahintakutan siya ng isakay siya ni Troy

