[Samantha] Araw-araw ay dumadaan sila sa grocery store para mamili ng mga ingredients sa pagluluto. Ganito ang routine nila araw-araw. Kapag susunduin siya nito sa apartment niya ay mas maaga. Para makapagluto pa siya at sabay silang mag almusal. Pagkahatid naman nito sa pag uwi niya ay nagluluto din silang dalawa para sabay na magdinner. Habang nakasunod siya kay Zandro na abala sa pagpili ng mga ingredients sa lulutuin ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Daig pa nito ang babae habang namimili. Talagang sinusuri nito ang mga gulay at prutas kung talagang fresh, maging sa karne ay gano’n din ito. Katulad ng palaging nangyayari ay nakatulala ang mga kababaihan at halos tumulo ang laway habang nakatingin kay Zandro. Bakas ang paghanga sa mukha ng mga ito na para sa nobyo niya. Sino

