[Samantha] Pagkatapos niyang magpabango ay nagsuot na siya ng flat sandal. Bago lumabas ay dinala niya ang sling bag niya. Ngayong araw ay dadalo siya sa kasal ng isang co-teacher niya. Abala si Zandro sa bago nitong misyon kaya hindi siya nito maihahatid. Habang sakay ng elevator ay inayos niya ang buhok— natigilan siya ng mapansin ang kasabay niya sa elevator na balot na balot. Naka-jacket ito ng itim, mask, pantalon, at sumbrero. Ang init naman nang panahon pero balot na balot ito. Muli niyang itinuon ang ginagawa sa pag ayos ng buhok. Nang palabas na siya ng elevator ay nakipag unahan pa ang lalaki kaya muntik na siyang matumba. Para hindi pagpawisan ay taxi ang sinakyan niya papunta ng simbahan. Habang nagpapalitan ng wedding vows ang dalawa ay marami ang umiyak. Maging siya a

