Reception ng kasal. "Parang fiesta sa dami ng bisita nyo pare! ganito pala sa inyo kapag may kasal. Lahat ata ng nakatira sa buong bayan ay narito sa kasal ninyo." komento ni Nick. "Wala man sa politika ang lolo Edgardo kilala naman ang pamilya Alminarez rito." eksplika ni Edgar kay Nick. "Parang ngayon ka lang nakaexperience ng ganito ah!" paninita ni Anthony kay Nick. "Nakaranas naman na, pero hindi ganito karaming bisita ang dumalo." sagot ni Nick. "Nag ienjoy ang misis mo na kausap ang mga kaibigan at kakilala niya nakalimutan ka na ata." pamumuna ni Anthony. "Okay lang! mamaya naman solong solo ko na siya." nakangiiting saad ni Edgar. "Ibang ngiti at kislap ng mga mata mo pare! mukhang mamaya lang gagawa ka na ng baby. Aasahan na ba namin na pagkatapos ng isang buwan may mabubu

