Samantala sa lugar kung saan dinala ni Martin si Eloisa ay umaksyon na agad ang mga pulis. Napag-alaman nilang si Eloisa at si Martin lang ang nasa loob ng kubo pero hindi sila sigurado kung may armas ba o baril na hawak si Martin. Kailangan pa rin nilang mag- ingat para sa kaligtasan ni Eloisa. Maaari kaseng matrigger si Martin, kapag nabatid nito na napapaligiran na s'ya ng mga pulis, baka gawin pang pananggalang nito ang dalaga. Palapit sila ng palapit sa kubo ay mas naririnig nila ang malakas na pagsisigaw ni Eloisa. Humihingi ito ng tulong at minumura si Martin. Alam na nilang may hindi na magandang nangyayare kay Eloisa sa mga sandaling 'yon, kaya binilisan na ng mga pulis ang paglapit sa kubo na may pag- iingat pa rin. Sumunod din sina Edgar at Justin sa mga pulis sa paglapit

