Araw ng sabado, maagang ginising ni aling Susan si Eloisa dahil napagkasunduan nila kagabi habang naghahapunan silang lahat na sa pagsapit ng umaga kinabukasan ay sabay sabay silang magtutungo ng simbahan para sama sama silang mag anak na ipagdarasal ang magiging byahe nila Raegan at Justin pabalik ng Maynila mamayang hapon. "Bakit ang aga naman Nay? mamaya pa naman hapon ang alis ng dalawa di ba!? kahit bago na lang magtanghali tayo pumunta ng simbahan, tapos diretso na tayo kumain ng tanghalian sa labas." aning wika ni Eloisa na tinatamad pang bumangon. "Ate, maganda ngang maaga tayong pumunta sa simbahan para makapamasyal pa tayo pagkatapos ng misa. Isa pa may oras ang misa kapag hindi araw ng linggo di ba!? mas okay kung makaabot tayo na magsisimula pa lang kaysa sa patapos na. Kumil

