Chapter 3

1825 Words
Papunta sa manggahan ang magkapatid na Edgar at Margaret kasama ang kanilang abuelo na si Don Edgardo Alminarez. "Ang laki na ng inunlad ng manggahan Lolo ah! ilang hektarya na po ba ang sangkop ng manggahan natin?" aning tanong ni Edgar sa matanda habang nasa byahe sila papasok ng Alminarez Mango farm. "Oo apo, lumaki nga ang farm dahil naibenta sa akin ni Don Julian dela Costa ang 100 hectares ng kanyang lupain bago ito panawan ng buhay." "Nagkaproblema ata sa pinansyal ang mga dela Costa magmula nang ang bunsong anak niya ang namahala sa hacienda nila. Ang tsismis ay hindi raw nagkakasundo- sundo ang magkakapatid sa ipinamana ni Julian sa mga anak kaya ibenenta ang malaking parte ng lupa nila sa mga kalapit na hacienda tulad natin." "Ang balita pa ay nabili rin daw ng mga Montecarlo ang kabilang parte ng lupain ng mga dela Costa, hindi lang ako sure kung gaano kalaki." mahabang pahayag ng abuelo sa kanya. "E di wala ng hacienda ang mga dela Costa rito?" usisa pa ni Edgar. "Ang alam ko ay wala na nga, dahil nabakuran na ng mga Montecarlo ang lupain. Ang naiwan na lang ata sa mga dela Costa ay ang kanilang bahay dahil ayaw atang iwan ni Leandro ang lugar." aning saad pa ni Don Edgardo. "Sayang naman at hindi na lang sa atin ibinenta ang farm nila. Bakit nga ba hindi Lo!?" aning tanong muli ni Edgar. "Masyadong mataas ang halagang hinihingi nila apo. Hindi naman natin kailangan pa ng malaking lupa dahil napakalawak na ng nasasakupan natin kaya nang ilapit nila sa akin ay tinanggihan ko." aning pahayag muli ng matanda na ikinatango ni Edgar sa abuelo niya. "Lo, ilang puno ng mangga ang mga nakatayo sa farm? Nakakalulang tignan sa dami ng puno na nadadaanan natin! malayo pa ba tayo?" singit naman na ni Margaret sa usapan ng lolo niya at ng kuya niya. "Nasa 40 thousand mahigit apo ang puno ng manggang nakatanim dito. Dati nasa 30 thousand lang pero dahil marami na ang umaangkat ng mga mangga sa atin kinailangan talagang magdagdag." aning sagot ni Don edgardo. "Malapit na tayo! Ayun nakikita mo ang bodegang yon. Diyan ang pahingahan ng mga trabahador natin at diyan din ako naglalagi kapag narito ako para sandaling tignan ang manggahan. Malapit na ang peak season ng mangga at mag aanihan na naman kaya hindi pwedeng iasa lang natin kay Berting at kay Michelle ang pamamahala." "Sino si Michelle, Lo?" usisang muli ni Edgar. "Ah anak ni Berting na panganay, napakabait na bata nung si Michelle. Teacher sa public school dito sa atin kapag may oras at anihan ay tumutulong siya rito sa plantation. Pagtanaw raw ng utang ng loob dahil nakapagtapos ng pag aaral sa tulong natin." aning wika ni Don Edgardo. "Ang bait mo talaga Lolo, kaya mahal ka ng karamihan dito. Syempre nagmana din kami sayo ni papa, pero si kuya Edgar parang hindi ata nagmana sayo kase nanakit ng mga babae yan eh! pinaglalaruan lang niya ang mga nagiging girlfriend niya." pagpapabatid ni Margaret sa mga ginagawa ng kuya niya. "Wala kang alam Ella Margaret, kaya pwede manahimik ka!. Sisirain mo pa ang pagkatao ko kay lolo. Ikaw nga kababae mong tao, nakikipag away ka!. Sa ating dalawa ikaw ang madalas mapresinto dahil sa pakikipagsabunutan mo sa mga babaeng nakakaaway mo. Huwag mong ideny dahil totoo naman." paangil na saad ni Edgar sa kapatid na inirapan siya pero ang lolo nila ay tinawanan lang silang magkapatid. "Alam ko ang mga kalokohan ninyong magkapatid, kaya wag na kayong mag angilan pa. Nagsusumbong pa rin sa akin ang daddy ninyo kapag kinukumusta ko kayo sa kanya. Mas sumasakit ang ulo ng ama ninyo sayo Margaret dahil babae ka. Kaya umiwas ka sa gulo." "At ikaw Edgar wala ka pa rin bang seseryosohing babae? aba ilang taon ka na pero wala ka pang ipinapakilala sa akin, ano nga pala ang nangyari sa inyo ng anak ni Nelson at hindi natuloy ang pagpapakilala mo sa kanya, sa akin? Akala ko ay siya na talaga ang babaeng ihaharap mo sa altar at pakakasalan pero bigla kang umalis at iniwan ang anak ni Nelson." naiiling pang saad ng matanda. "Nagbago ba ang isip mo noon dahil hindi ka pa rin sawa sa pagiging binata mo?" dugtong pang wika ng abuelo. Parehong natahimik ang dalawang kanina ay nagbabangayan ng mapagsabihan ng lolo nila. Humugot na lang ng malalim na paghinga ang matanda at hindi na rin nagsalita. Pagkatigil ng sasakyan nila Edgar ay sinalubong na sila ng mga tauhan ng lolo Edgardo niya sa manggahan. "Magandang umaga ho Don Edgardo, Senyorito, Senyorita." bating salubong sa kanila ni Mang Berting na katabi ang anak nitong si Michelle na sinasabi ng abuelo nila kanina. "Magandang umaga po Don Edgardo, sa inyo rin po senyorito Edgar at senyorita Margaret." aning bati rin agad ng babae. "Magandang umaga sa inyong lahat." ang bati naman ni Don Edgardo. "Magandang umaga rin ho Don Edgardo, senyorito at senyorita." sabay sabay namang bati ng lahat ng tauhan sa manggahan pagkatapos silang batiin ng Don. "Don Edgardo, naghanda po kami ng maliit na salo- salo para po sa pagsalubong namin kay Senyorito Edgar at kay Senyorita Margaret." turan ni Mang Berting. "Ganun ba ay mabuti yan para makilala ninyo ang apo ko na pansamantalang mamahala muna sa inyo rito habang nasa bakasyon ako. Edgar, Margaret si Berting kilala nyo pa rin naman siya di ba at si Michelle ang anak niya at ang mga trabahador dito sa manggahan. Mamaya magkakainan tayo kasama sila. Sa ngayon Berting samahan mo muna kami ng mga apo kong libutin ang buong lugar." "Sige po Don Edgardo. Oh kayo diyan, balik na muna kayo sa trabaho at mamayang tanghalian ay sasaluhan tayo nila Don Edgardong mananghalian!" Pahayag na utos ni Mang Berting sa mga tao nila na sumunod naman agad at naiwan sila sa lugar. Mga nagpaalam naman muna ang mga trabahador sa kanila bago sila tuluyang iniwan. "Don Edgardo dito po kayo maupo muna nila Senyorita at Senyorito Edgar." "Edgar na lamang po mang Berting!" wika ng lalaki. "Naku ay nakakahiya naman po kung iyon lang ang itatawag ko sa inyo senyorito." "Mang Berting, wala po kayong dapat na ikahiya. Maliliit pa lang kami ay kilala na namin kayo ni Margaret at hindi na kayo iba sa amin. Salamat po sa patuloy na paglilingkod ninyo kay lolo Edgardo." ani pa ng binata. "Tama si kuya mang Berting! Margaret na lamang din ang itawag n'yo sa akin. Kayo naman po ang pinagkakatiwalaan ni Lolo dito sa manggahan." aning wika naman ni Margaret. "Nakita mo Berting kung gaano kababait ng mga apo ko!? sundin mo na lang ang kung anong nais ng mga apo ko. Tama naman din sila nakagisnan ka na nila rito kaya hindi ka na iba sa amin." saad ni Don Edgardo. "Siya sige po kung yan ang nais ninyo. Michelle, pakiayos mo na muna ang mga ihahanda para sa tanghalian at maglalakadlakad na muna kami nila Don Edgardo at ng mga apo niya." "Kami na po ang bahala rito 'tay." aning sagot ng anak ni mang Berting. Nilibot nga nila ang buong manggahan gamit ang motor na may sidecar ni Mang Berting. Kasya naman silang apat sa sasakyan na sa bawat madaanan nila ay kinakawayan o tinatanguan sila ng mga trabahante. May ilang kwento rin ang matanda sa kanila na memorable sa abuelo nila na may ilang mangga na tinamaan ng kidlat at mga spot na gustung gustong tinatambayan ng mga tao roon pati ang ilog sa manggahan ay tinungo rin nila. Amaze na amaze naman si Margaret sa kanyang nakikita dahil sa ganda ng lugar. Nagkataon rin kase na marami na ring maliliit na mangga, mga bubot pa at namumulaklak pa rin ang puno kaya talagang ang aliwalas sa mata ng buong kapaligiran. "Maaari na tayong bumalik dahil sa banda roon ay dulo na nitong manggahan. Sakop na ng mga Montecarlo ang kabilang pader na dati ay sa mga dela Costa." aning pag aaya na ni mang Berting na bumalik na at dahil mainit na rin ang sikat ng araw ay sinang ayunan naman na ni Don Edgardo. "Pinapaderan na pala nila ang hangganan. Naalala ko dati nung huli kong punta rito ay harang lang na alambre yan di ba mang Bert." wika ni Edgar. "Oo, kailan pa lang naman yan napapaderan ng mga Montecarlo. Mas maganda ang ginawa nila para hindi na makapasok rito sa manggahan ang mga alaga nilang hayop. Noon kase ay kapag may nawawala silang alagang hayop ay dito sila agad nagpupunta at nagtatanong kung nakita ang mga alaga nila. Iba yung dating sa amin dito ng pagtatanong nila. Kaya nung papaderan nga iyan ay ikinatuwa pa naming lahat dito." "Masama ba ang ugali ng caretaker ng mga Montecarlo?" usisang tanong ni Edgar. "Hindi naman ang bantay Edgar, ang mismong may ari ang masama ang ugali. Kaya ayokong madikit ang pangalan ko sa pamilyang yan dahil napakahirap pakisamahan niyang si Emmanuel Montecarlo." saad ng matandang Alminarez. Tumango tango na lang si Edgar at tahimik lang si Margaret na para bang walang pakialam sa pinag uusapan ng tatlong lalaki na kasama niya. Pagkabalik nila ay nakaayos na ang mga pagkain nila sa isang malaking lamesa. Pinatawag ni Don Edgardo ang mga trabahante niya at sabay sabay na nga silang nagtanghalian. Kaunti lang ang kinain ni Margaret dahil natatakam siyang kumain ng kakanin kaya ng matikman niya iyon ay tinanong niya ang anak ni mang Berting kung sino ang nagluto non. "Ang sarap naman ng mga kakanin na 'to, lalo na itong cassava cake. Sino po ang gumawa nito? Magpapagawa po sana ako uli para maipasalubong kina Mom at Dad pati na rin kina aling Precy pagbalik ko po ng manila kasama si Lolo Edgardo." aning tanong ng kapatid ni Edgar na sarap na sarap sa kanyang kinakain. "Kuya, tikman mo 'to! ang sarap talaga! promise, magugustuhan mo ito dahil tamang tama lang ang timpla." dagdag pang wika ni Margaret na tinikman naman ni Edgar at nang matikman ay sumang ayon sa sinabi ng kapatid. "Ah! inorder ko po yang mga kakanin na yan kay Eloisa sa anak po ni konsehal Marasigan iyan ho kase ang sikat na kakanin products store dito sa bayan. Masarap po talaga ang mga kakanin ni Eloisa na siya mismo ang gumagawa." aning saad ni Michelle na ibinida pa ng husto ang mga kakanin ng kanyang kaibigan. "Eloisa Marasigan? si Eloisa ang gumawa ng mga ito?" bulalas na tanong ni Edgar ng marinig ang sinabi ni Michelle. "Opo senyorito, kilala po ninyo si Eloisa? Senyorita kung magpapaorder po kayo ay sabihin n'yo lang po sa akin at ako na po ang magsasabi kay Eloisa ng gusto ninyong ipaorder, kaibigan ko naman po siya." aning wika ng anak ni mang Berting. Sumama ang pakiramdam ni Edgar sa pagkakarinig sa pangalan ni Eloisa Marasigan. Galit pa rin siya sa dalaga at hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa sa kanya ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD