AIDEN's PoV " Allan, anong balita sa mga Mejia?" tanong ko habang lulan ng chopper. " Nagkakagulo na po ang mga tao sa loob ng mansion sir, at gaya ng sinabi niyo tinawagan na po nila si Major Ramos para ipahanap si Ma'am." malakas na sabi ni Allan "Nakausap mo na ba si General Torres? " "Yes po sir, may meeting po siya sa inyo ng 9am" "Good, aabot pa tayo. Papuntahin mo si Rosa sa office at sabihin mo na lutuan niya ako ng pagkain, ihatid niya sa office." "Copy sir, " sabi ni Allan FEW WEEKS AGO "Doc, patingin nga ng invitation cards na ibinigay nila sa inyo." sabi ko kay Doctor De Jesus ng makita kong inabot ni Liam iyon. "ito." kinuha ng doktor ang card na nasa loob ng coat nito at ibinigay sa kanya Nang mabasa ko ang nakasulat sa card ay may nabuong plano sa aking utak. Hin

