Sa kabilang banda ay hindi mahagilap ng pamilyang Mejia ang mag-inang si Cym at Sam. Ilang oras na nakalipas ang pagpunta ng mga ito sa clubhouse " Rita, sigurado ka ba na sa Clubhouse mo iniwan si Baby Sam at Cym?" tanong ng ina ni Cym "Yes po ma'am, sandali ko lang pong iniwan sila sa Clubhouse, naiwan ko po kasing nakasaksak ang cellphone ko sa kwarto, pagbalik ko wala na po sila." mangiyak ngiyak na Saad ng kasambahay.. Natataranta na Silang lahat Lalo na si Liam na paroo't parito. "I've already searched the whole subdivision but I couldn't see them." ani Liam "Huminahon ka,Liam. Hindi nakakatulong ang masyadong pagkataranta mo." Sabi naman ng ina ni Cym bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa anak at apo. "Charles, natawagan mo na ba si Glydel at si Harvey? Baka kas

