LIAM'S POV Pagkatapos mamalengke ay umuwi na rin kami. Gaya ng umagahan ay tatlo lang kaming nagsalo sa hapag. Gusto Kong tumulong sa paghuhugas ng plato kaya lang ay ayaw nila Akong patulungin kaya nagpunta na lang Ako sa kwarto kung saan ipinahiram sa akin para makapagpahinga. Pagod pa rin Ang katawan ko dahil sa haba ng biyahe at gusto Kong matulog. Kumuha Ako ng mga libro na naroroon at napansin Ang mga photo album na nakasansan katabi ng mga libro. Ang unang album ay Puno ng mga larawan ng mga bata, "They really look like each other" Turan ko sa Aking Sarili. Tiningnan ko pa ang ibang mga photo albums na naroroon at Hindi ko napansin Ang Oras dahil nalibang Ako sa pagtingin ng mga pictures nila. Lumabas Ako ng kwarto para sana umihi ng marinig ko na Naman ang usapang ng mga ito

