LIAM'S POV Hindi ko inaasahang ganoon kahirap Ang Daan patungo sa Bahay ng kanyang Lola. May parteng mabato, may maputik na kahit Hindi Naman umulan ay madulas Ang Daan dahil sa ilog na umaagos mula sa mismong bundok. Napapalunok Ako at Hindi komportable dahil sa bawat pagdaan Namin sa mabatong kalsada ay napapakadyot Ang motor at napapaabante Ako. Nararamdaman ko Ang marahas na pagsiko ni Rica sa akin na para bang sinasadya ko Ang mga nangyayari. "Sorry" Wala sa sariling hingi ko ng paumanhin kapag tumatama ito sa kanya. Nasa pinakahulihan kami dahil siguro sa bigat ko at nasa unahan na Sina Tatay Carlos maging Ang aming bag. "Sir, huwag kayong malikot sesemplanh Tayo." Suway ng driver. "Pasensya na ho." Hingi ko ng paumanhin ng subukan Kong umusog palikod dahil pababa Ang Daan at m

