Naghiwalay ang lamang ang aming mga labi dahil sa kakapusan ng paghinga. "Tapos na ba, Mando?" "Tapos na Crising." rinig kong bulungan ng mag-asawa na nakasilip at nagtatago sa likod ng mga halaman. Agad namula ang aking pisngi dahil nakita ng mga ito ang halikan namin ni Aiden Magkaakbay na naglakad papalapit sa amin ang mag-asawa "Tapos na kayo,Kap?" tanong ni AIden na parang wala naramdamang hiya hindi ko alam kung napansin niya ang mag-asawa kanina o binalewala niya lang "Oo, Aiden. Bakit hindi pa kayo matulog? Maaga ang prusisyon bukas, Huwag na rin muna kayo umuwi ha. Magkakaroon ng mga palaro at sayawan bukas ng gabi, Tiyak na mag-eenjoy kayong mag-asawa pati na ang anak niyo." nakangiting sabi ni Kap "Hayaan mo na sila muna diyan. Mag-asawa naman yan, tara na. Nakainom ka

