CYM's PoV Naunang naligo si Aiden, suot nito ang damit na ibinigay ni Kap. Sandong itim na halos mamutok dahil sa pagkahapit nito. Labas ang braso nito na halatang alaga sa gym dahil sa biceps nito na medyo kalakihan. Wala ka rin mababakasan na kahit maliit na bilbil sa tiyan nito sa halip ay flat na flat iyon. Iniimagine ko na nasa loob nun ay ang anim na maliliit na pandesal nito. Pinaresan ng sando ay ang Jersey short na puti na above the knee. May mga butil pa ng tubig na umaagos sa kanyang leeeg mula sa kanyang maikling buhok. Amoy na amoy ko rin ang sabon na ginamit nito. Lumapit ito sa akin at ibinigay ang twalya na ginamit nito. Nagiging malaswa ang pag-iisip mo Cym. Umayos ka! suway ko sa aking isip Ipinilig ko ang aking ulo at mabilis na nagpunta sa banyo Isinuot ko ang is

