Sa loob ng dalawang linggo ay unti-unti nakikilala ni Cym si Aiden. Wala kang makikitang sama ng ugali rito. Naging maalaga at pinapahalagahan ni Aiden ang bawat araw na sila ay magkasama. "You have to go back to your family." ani Aiden habang nakatingin sa natutulog na si Sam May lungkot sa mga mata nito habang hinahaplos ang anak at panaka- nakang paghalik sa ulo nito. Hindi makasagot si Cym dahil kahit siya man ay may lungkot na nararamdaman dahil muli na naman silang magbabalik sa kani-kanilang mundo. Hinihiling na sana ay tumigil ang oras. "Promise me, na hindi mo ilalayo sa akin si Sam. Tutuparin ko naman ang ipinangako ko sa iyo na hindi ko na guguluhin ang relasyon ninyo ni Liam." Nakatingin na ito kay Cym na nakatayo sa kanyang likuran. Tanging pagtango lamang ang isinagot

