AIDEN'S POV Bumalik ako sandali sa Belgium at nanatili room ng apat na araw upang asikasuhin ang aking nabayaang negosyo. Malaki ang tiwala ko Kay Greg at kahit na ilang linggo akong wala roon physically ay binibigyan pa rin ako ng update ni Greg sa progress ng aming kompanya. Nang mga sumunod pang mga araw ay ang kompanya naman namin dito sa Pilipinas ang aking inasikaso. Isinubsob ko ang aking sarili sa pagttrabaho upang matabunan ang pangungulila sa aking puso. Nakatanaw ako sa bintanang salamin habang tinatanaw ang kumikislap na mga Ilaw na nagmumula sa mga gusali, mga sasakyan sa kalsada at maging sa mga street lights. I sighed heavily then sipped with my glass filled with whiskey. In the past few days, I can feel the emptiness in my heart. I missed hearing the sweet giggles of

