EPISODE 1
CHAPTER 1: FIRST MEET
Akhira's POV
Andito ako ngayon sa kwarto ng condominium ko, kasama ko tong burikat kong kaibigang kanina pa nangungulet.
"Isipin mong mabuti. Isang beses ka lang namang sasali, dagdag den yon sa pang gastos mo." pilit ni Crizta at ibinaba ang cellphone nya sa kama.
Kanina pa ko kinukumbinsi neto ni Crizta na sumali sa modelling na inaalok ni Mrs. Calderon.
Di naman to contest, imo-model lang yung mga bagong design para sa mga artist. Parang ganon sa Victoria Secret, Luis Vuitton bayon. E basta yung parang ganon. E ayaw ko nga sumali, duh nilalayuan ko kaya ang buhay sa media no.
"Sis, you know naman. Ayaw ko naman sumabak sa buhay sa harap ng media." Saad ko.
Ayoko talaga, as in ayaw ko. Kase nakikita ko buhay ng mga magulang at kapatid ko. Grabe hirap, kailangan mo mag-ingat sa mga galaw mo kase baka mamaya makakasira na pala yan sa image mo.
"Tsa! Sino ba may sabing, humarap ka sa media. Duh! Isang beses lang kaya yon." inirap nito sa kawalan saka muling bumaling sa cellphone nya. May point sya pero ambobo nya paren.
"Maraming malalaking company don. Basically baka may mag alok na naman sakin na sumali." pilit ko at umayos sa pagkakaupo. Mas may point naman ako diba?
"Pwede namang tanggihan teh, kung saka-sakaling may mag alok. Pero waw lang te ha! Taas ng expectation, confident na confident. Ganda ka?" winasiwas pa nito ang kamay sa ere, at nagmo-mustra.
Hindi naman ako naging Strey para sa wala. Ganda kaya ng lahi namin.
"Iniisip ko lang yung mga possible" palusot ko.
"Negative ka mo." Pag pupumilit nya pa saka muling bumaling sa cellphone nya at nakangiting nagtitipa. Di ko na pinansin ang pag-ngiti nya. Yan siguro yung ka M.U daw kuno nya na mula sa ibang School.
"Negative pero possible."
"Alam mo ang nega mo, april na kaya Dzuh!? Alam ko namang mahiyain ka humingi sa parents mo, kaya baka wala ka pang gastos ngayong summer. Ikaw lang kaya kilala kong mayaman pero naghihirap." May point na sya, gumagana den pala utak neto ket minsan.
Hindi kase ako nakakapag-bakasyon sa bahay. Usually dito ko ini-spend ang bakasyon sa Condo saka gumagala-gala na lang. Hindi naman ako masyado humihingi kina Mommy ng pera. Binibigyan nila ko ng allowance pero tama si Crizta, hindi sasapat iyon.
"Pag i-isipan ko."
--
Kent Cyruz POV
Napaka gwapo ko talaga, kaya imposibleng di maubos ang ticket ng concert ko. "Zup bro, I heard there's 3000+ ticket left, ngayon lang nangyare yan." napatingin ako kay Chase na bigla bigla nalang sumusulpot. Wag kayo maniwala dyan, binobobo lang ako nyan.
"Imposible yon pre, TSA! Sa gwapo kong to." pagmamayabang ko at hinimas ang baba ko gamit ang hinlalaki ko at hintuturo.
"Ask your agent. Pinapagalitan na ni Ma'am Askalei." nakangiwing sagot nito kaya nagtaka ako. Di ba sya nagbibiro? May natira talaga sa ticket ko? Imposible.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng opisina ni Manager Askalei. Medyo malayo ang table ni Ma'am Askalei kaya di nila ko agad napansin, tsaka mukhang busy sila e.
"Did you endorse it? Pinalabas mo ba sa commercial? Andaming natirang ticket. Malaking lintik pag bumaba ang sales." naabutan kong nanggagalaiti sa inis si Ma'am Askalei dahil na nga siguro sa natirang ticket. Tss.
"Tita, nalaman kong kasabay ng concert nya ang concert ni Shion Villamur. Maybe yun yung dahilan kung bat bumaba ang sale." paliwanag ng Agent ko na pamangkin nya mismo.
Narinig ko na ang pangalan nya. Shion Villamur? Din't he an co-artist? Same management I guess. Sya yata yung rising ngayon? Best spot daw? Well, i don't care. I don't usually compete with others.
Lumabas na ko ng office dahil mukhang di naman ako napapansin ni Ma'am Askalei dahil busy sya sa pagsigaw sa pamangkin nya. Pamangkin nya kasi mismo yung agent ko.
"Hey bro!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Chase iyon, lumapit sa kanya.
"Chase, do me a favor" di ako nakikiusap, nag uutos ako. I know he get me.
"tss. What is it?" sabi na di ako matatanggihan neto.
"Nuks! Kaya mahal kita e." biro ko pa na ikina-ngiwi nya kaya medyo natawa pa ko sa reaksyon nya. "Pumunta ka sa concert ni Villamur bro."
"What the--, NO! Sa gwapo kong to, maagaw ko lang ang spot na dapat para sa kanya." pagmamayabang nito at pinasingkit ang mata. Yabang neto e mas gwapo naman ako.
"tss. Magi-imbestiga ka lang e."
--
Akhira's POV
Kagagaling ko lang dito sa office ni Mrs. Calderon, pumayag na ko sa inaalok nyang pagmo-model. Di lang sa dagdag allowance den yun, pero GOSH! Napag-alaman ko ring yung panganay na anak ni Mrs. Calderon ang may gawa nung mga damit na imo-model, world famous designer Mr. Chico Calderon.
Maraming paraan para ma-meet ko sya, gaya ng kapatid sya ni Chase pero sabi ni Chase di daw sila close ni kuya nya, di naman ako tsismosa para itanong kung bakit. Kaya grab ko na tong opportunity na to no, bukod sa ma-meet ko sya, imomodel ko pa yung mga gawa nya. KYA! Nae-excite nak-ay kurimaw na Chase.
*phone ringing*
"What's the matter?" walang ganang bungad ko sa tao sa kabilang linya. Ano naman kayang problema netong Cyruz na to at bigla bigla nalang tumatawag.
"Akhira Marie Strey! Guess what?" napangiwi pa ko sa lakas ng pagkakasabi nya pero ramdam ko ang excitement sa boses nya. Problema naman kaya neto?
"Tss. Ano ba yon?" daming alam, may pa guess guess pa pwede namang deretsuhin nalang. Naistorbo nya pa yung pag D-daydream ko
"Uuwi na si Xandria. Nakumbinse nya daw dad nya na dito na lang sya mag aaral." ramdam ko ang excitement sa boses nya, pati ako ay nae-excite na rin. That's good atleast kumpleto kami diba?
"Ok?" walang gana kong tanong.
"Tss. Wala ka talagang kwentang kaibigan, di ka man lang ba masaya dyan?" dama kong naka pout sya kahit hindi ko nakikita, isip bata kasi to e. Masaya naman ako pero pano ba i-express dami ko kase iniisip sa ngayon, hihihi.
"Sige na." pagkasabing pagkasabi ko non, binaba ko na agad ang tawag. Wala naman kaseng kwentang kausap tong si Cyruz.
Pumara ako ng bus at sasakay na sana ko ng bus ng may tumawag sa akin kaya napalingon ako. "Miss hindi ka pa ba sasakay?" tanong nung driver ng bus ramdam ko rin ang tingin ng mga pasahero sa akin. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa sumulpot to nakakahiya tuloy.
"Hindi na ho." tumango ang driver sa sagot ko at nagsara na ang pinto at umalis na din.
Saka ako lumingon sa lalaking naka all black including his shirt, pants, shoes and cap. Alam ko na agad kung sino to. He always do this.
"Problema mo?" tanong ko dito kay Kuya Akhie.
He's my brother, almost 2 year older than me. Tss. Ampanget nya, pano kaya sya naging artista? Sabagay may mga artista den namang panget, yung pang-comedy kung baga. Pero to be honest, kuya is quite handsome. Konti lang.
Tumingin sakin ang naniningkit nyang mata. "Namiss kaya kita, kain naman tayo sa labas" kuya ko ba to? Kadiri amp+ta
--
Chaka naman nito ni kuya, wala ba syang pera? Italian food restaurant tong pinuntahan namin, mahal den naman ang mga pagkain dito pero kase common to e. Kahit di ka ganon kayaman afford mo naman sigurong bilhin, 200+ pesos per dish lang. Yung pinuntahan namin ni Arkhin libo dipende sa dish, angas diba?
"Baka may paparazzi na nakasunod sayo, lagot tayo kay daddy." di kase ako kilala sa media, sa tao sa company namin di den ako kilala basta pag pumupunta ako don di naman agaw pansin tamang swipe lang netong card na bigay ni daddy.
"I don't care, bat ba kasi di ka nila ipakita sa media." alam kong hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sila ni Arkhin. May point naman si kuya pero mas may point sina daddy. "Ambobo ng mga tao, nung pinagbuntis ka ba ni mommy, di alam ng mga tao?"
Sinabi na sakin ni daddy ang tungkol dito. Ang kulit lang talaga nito ni Akhie.
Flashback
I'm 7 years of age this day. Kwento sa kin ng mga kaklase ko na masaya daw pag nag 7 birthday ka, madaming food, nagto-throw den daw ng pa-party. But mine is different.
Akhie, me and arkhin, dinala kami ni daddy dito sa Australia, dito ko daw ice-celebrate yung birthday ko with lolo and lola. Medyo nalungkot ako to the point na nakapagtanong na pala ko kay dad.
"Dad?" he then turn his gaze on me. Alanganin akong tumungo saka itinuloy ang aking pagsasalita.
"Can't I celebrate with you? My friends celebrate with their family and friends... but, why can't I? Every family day or any celebration in school, sina Yaya lang kasama ko. Iba den yung school ko kesa kina Akhie." halos pabulong kong tanong lumalabo din ang aking paningin dala ng nagbabadyang luha. Lumuhod si Daddy sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"I'm sorry." dama ko ang sensiridad sa boses nya. "Yung mga tao sa business nak, gagawin nila lahat para maka-kapit sa mataas. Karamihan sa business lalaki ang anak." Nalungkot naman ako sa sinabi ni daddy. Marami akong naririnig na mabuti raw at lalaki ang panganay, dahil kung nagkataong babae sayang daw ang family dynasty namin which is the company.
"Kaya po ba di nyo ko pinapakilala sa kanila kase babae ako?" tanong ko habang nakatungo, hindi na rin napigilan ang makulit kong luha na bumagsak.
"Its not that. Gagawin nilang opportunity yun para ipagkasundo ka nila sa anak nila, at makahawak sila sa kapangyarihang meron ang daddy mo." hinawakan ni daddy ang baba ko at pinahind ang luha ko.
Ito talaga si daddy kanina pa ko pinagi-isip. Maka-kapit daw sa mataas, e mas matangkad naman si tito Benedict kesa sa kanya, tapos ngayon may kapangyarihan daw sya. Sanaol.
"Maiintindihan mo din lahat nak pag malaki ka na. At pag dumating yung panahon na kaya mo ng mag desisyon para sa sarili mo, proud akong iwawagayway ka sa buong mundo. THIS IS AKHIRA MARIE STREY my one and only beautiful daughter." nakangiting saad ni Daddy
Nakangiti ako sa sinabi ni dad, pero bat nya kaya ko iwawagayway e hindi naman ako watawat?
End of flashback.
Nangiti ako habang inaalala yung mga panahong gusto ko rin maranasan yung mga nararanasan nina Akhie noon, pero ngayon ayoko na hirap pala sa harap ng media.
"Hey, are you listening?" napatingin ako kay nakakunot noong nakatingin sa akin. Di ba obvious na di ako nakikinig?
"huh?" May sinasabi ba to si Akhie? Di ko naman kasi talaga ko nakikinig e.
"I said, pinapapunta ka ni daddy sa bahay." ramdam kong medyo naiinis ang boses nya. Ayaw nya kasi ng nag-uulit ng nasabi na nya, lalo na kung mahaba na. Ano naman kayang meron?
"Hmm? Bakit daw?" tanong ko at dumating na tong waitress na naka-cap, mukhang magse-serve na ng food. Pero teka di pa naman ako umo-order ah?
"Ako na umorder, mukhang anlalim ng iniisip mo at pangiti-ngiti ka pa dyan." Iba na naman iniisip neto.
"Hindi yon lalaki." ganyan kasi mindset nya e. Porke ba lumilipad ang isip mo lalaki na agad o di kaya e lovelife na agad.
"Wala kong sinabi." matigas na tugon nito. Alam kong wala syang sinasabi ngunit iyon ang sinisigaw ng awra nya.
"Pero alam kung yon ang iniisip mo." Tss. Panget talaga neto.
"Psh. Sya nga pala. Hindi naman sinabi sakin ni daddy kung bakit ka nya pinapa-punta sa bahay." sagot nya saka binalingan iyong steak na ini-serve ng waitress. Ano kayang meron?
Bigla kong naalala yung sinabi ni Cyruz kanina, magpahatid kaya ako dito kay kuya sa airport para ako nalang susundo kay Xandria?
"Kuya." Tawag ko habang sumusubo sya nung steak. Di naman nya ako pinansin. "Hoy, Akhie!" mas malakas na tawag ko sa kanya.
"Hmm?" tanong nya habang at sumimsim sa wine glass pero tubig ang laman.
"Pwede bang ihatid mo ko sa airport?" tanong ko na ikinakunot naman ng noo nya. Ngayon alam kong iniisip nya agad na aalis ako ng bansa.
"San ka naman pupunta, aber?" tss. Tama nga ako. Ampanget talaga neto mag isip.
"Psh. Susunduin ko lang si Xandria" sabi ko na ikinasamid nya, tatanga tanga pa. Lulunok nalang ng steak di pa nginuya.
"Hindi ako pwede ngayon. Marami pa kong gagawin." rason nya. E bakit sya nakapunta dito?
"Hindi naman ngayon agad, tatanungin ko pa si Xandria kung kelan flight nya at arrive." inirapan ko nalang sya at binakingan ang steak sa harapan ko.
Bobo talaga netong kuya ko, kuya ko ba to?
"You don't have to pick her, kuya Xavion will surely pick her." kalmadong sabi nya at saka muling sumubo ng steak. May point naman sya, may utak den naman pala to e, konti na nga lang yung cells nya kase nakain na ng mga bulate.
"Gusto mo bang sumama na sa akin pauwi sa bahay o sa ibang araw ka na pupunta?" pag-iiba nya ng usapan.
"Marami pa kong gagawin, paki sabi kay daddy sa ibang araw nalang ako pupunta." iling na sagot ko sa kanya. Rush ang rehearsal namin bukas dahil sa isang araw na gaganapin ang Artist Clothes Fashion.
"You're too independent, baby. You're too young for this." malambing ang boses nya ng sabihin iyon. Dami nitong sinasabi basta alam ko lang ang panget nya.
"Sige na mauna na ko. Paki sabi kay Arkhin nagtatampo na ko sa kanya. Di na nya ko binibisita e." tss. Nakakapag tampo na talaga yung batang yun, dati kasi madalas sya pumunta sa condo ko. Problema kaya nung batang yon?
"Luma-lovelife na kaya si Arkhin." saad nya habang nakatingin sa kalawakan at nagpupunas ng kanyang bibig. May lucky girl na agad?
"Ok lang yun, basta wag syang makikipagtanan." medyo natawa naman sya sa sagot ko. Makakapag pakulong talaga ko pag nagka taon.
"Mauna na ko" paalam ko at akmang lalakad na ko, nung tawagin na naman ako ni Akhie. Psh. Maga alas dos na e, pupunta pa ko ng school.
"Hatid na kita?" offer nya. Gustuhin ko man ay baka huwag nalang siguro dahil baka makita kami ng media.
"Mas mabuti pa siguro, pero papunta ko ng school e. Baka makaagaw pansin ka pa." kami pa mayari kay Daddy.
"Psh. Ako na bahala." mayabang na sabi nya. Basta sya din bahala kay daddy.
Sabay na kaming pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse nya. Ibang kotse kase ginagamit nya e, sa parking base to pina-park nina daddy.
--
"Thanks for the ride, Akhie." paalam ko ng makarating kami dito sa school ko.
Bumaba na ko ng sasakyan at syempre dito na ko nagpababa sa may shed. Di na ko nag-intay na bumaba pa si Akhie kase sure akong di sya bababa. Mamaya may maka kilala pa sa kanya dito.
"Sayang no, graduate na si Shania Brent, sya nalang kaya ang natirang artista dito sa campus natin."
"Girl! Pipilitin ko si Daddy na sa college ko don ako papasok sa papasukan nya noh"
"Oo nga, look. Sina Arkhin, Shion, Cyruz, Chase at madami pang iba, makikita nating artist don. Merong 20+ na dahil nalate sa pag pasok dahil sa career."
Psh. Yan yung bulungan ng mga tao dito sa hall way habang dumadaan ako. Emote nila sa pag-alis nung artistang dito raw nag-aaral. Madalang naman daw pumasok dahil home schooling maliban nalang kapag may mga importanteng pupuntahan dito sa school.
Nakita ko agad na may kumakaway sa may tapat ng office ng principal, I'm sure si Crizta yon. Dito lang naman sa first floor yung opisina ni Ms. Velasquez kaya madali lang. Tatakbo na ko papunta kay Crizta nung may nakabanggaan akong lalaki.
Syempre medyo masakit sa balikat pero di ko na ininda iyon at agad na tumayo at nagpagpag.
Grabe naman kase to si kuya ambilis tumakbo. Di nya ba iniisip na nakakapurwisyo sya.
Papagalitan ko na sana si kuya nung bigla nya kong hatakin sa may pala pulsuhan saka hinatak papalayo. Tumingin ako sa likod ko nung maka kita ako ng maraming paparazzi.
Teka sino ba to? Tanong ko sa isip. Yung style nya parang kagaya nung suot ni kuya Akhie kanina. Pero sigurado akong di sya si Akhie kase black yung shoes ni Akhie sa kanya white. Tsaka mas maganda ang pigura ng katawan nya kesa kay kuya.
Nung napansin kong wala na yung mga sumusunod, saka ko sya hinatak papasok sa may iskinita. Tumigil kami dito sa may walang tao.
"Teka nga kuya, di nga kami nahuli ng paparazzi kanina ni Akhie. Ngayon naman papatakbuhin mo ko dahil hinahabol ka ng paparazzi. Damay mo pa ko ha?" natahimik ako ng nagtama ang mga mata namin. Anlalim nyang tumingin na parang nangbubungkal ng kaluluwa.
"E kasi nga po miss, ko-komprontahin mo pa po ako don e andami ng humahabol saking reporter." nabalik ako sa reyalidad ng isang buhay na buhay na tinig ang lumabas sa bibig nya. Bobo din naman pala to e, hinahabol na nga ng reporter naghatak pa ng babae, edi lalo na syang pinag-usapan sa media. Pero teka...
"Sino ka ba? Bat ka ba nila hinahabol?" kabadong tanong ko, nakakagigil din kase wala na kong oras, kukuha pa ko ng card. Siguro sa ibang araw nalang. Mamaya criminal pa tong si kuya e.
"Pambihira, di mo ko kilala?" natatawang tanong nya, mukha ba kong mag tatanong kung kilala ko sya?? "Pero teka bakit mo nabanggit si Akhie? Naka-ligtas kayo sa paparazzi?"
Natameme ako sa tanong nya. I'm not good at handling this kind of scene kaya't hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Patay, ano ngayon sasabihin ko? Mayayari ako kay daddy sa isang maling salita lamang. Tutudturin ako ni daddy ng tanong at worst baka ilantad pa ko sa media. I'm not yet ready.