- Akeera - Parehas kaming tinanghali na nang gising ni Honey. Alas-diyes na nang umaga. Kaya nagluto na lang ako para sa aming Brunch na dalawa. “Ate mamili tayo ng stocks natin. Ako na ang bahala, wag ka na maglabas nang pera." “Hindi ba nakakahiya sa iyo?" tanong ko habang ngumunguya. Umiling ito. “Anu ka ba Ate bat ka nahihiya. Nasayang ang pinamili mo kahapon, alam ko namang matipid ka na tao. Kaya ako na. Saka para makarelax naman tayo." nakangiti nitong salita “Sige" Nang matapos kumain ay agad kaming nag-prepare nang aming sarili. Parehas kaming naka-tshirt at maong shorts. Suot ko naman ang high-cut na rubber shoes habang naka- slipper na criss-crossed naman ang kay Honey. Palabas na kami ng aming compound ng mapansin ko ang isang kotse. Nakita ko ang mabilis na paglabas

