- Akeera - Maaga ako ngayon gumising para sa almusal namin ni Honey, ayus lang naman sa akin na ako ang madalas maghanda ng aming pagkain dahil sanay na rin naman ako na ako ang naiiwan. 6:30 pa lang naman ng umaga kaya nakapag-inat inat na ako ng katawan. Pinuyod ko na lamang ang mahabang buhok ko at nagsuot ng malaking t-shirt at jogger pants. Nagsaing muna ako sa rice cooker at magpi-prito ng daing, talong at itlog. Gagawa na din ako ng sawsawan, masarap talaga kasi kumain ng heavy breakfast. Patapos na ako sa pagluluto at pine-prepare ko na ang mga plato nang may magdoorbell sa aming pintuan. Kaya naghugas muna ako ng kamay bago lumapit sa pinto. Napatuwid ako ng pagkakatayo nang mapagbuksan ko ang isang lalaki na nakablack suit. May earpiece pa ito sa kaniyang kanang tenga at mal

