- Akeera - Sa loob ng mahigit dalawang linggo ay hindi na kami mapaghiwalay na dalawa ni Aris. Palagi itong nakasunod at nakadikit sa akin kung saan man ako magpunta. Para siyang anino ko na palaging nakasunod. Nang minsan nagbanyo ako, paglabas ko ay galit na galit ito dahil hindi niya ako nakita at akala ay umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Nag-away tuloy kami ng wala sa oras dahil sa pagiging obsession niya. Ilang oras ko itong hindi pinapansin kaya mas lalo lamang ito naging parang bata ang ugali na takot mawalay sa kaniyang nanay. Palaging nagpapapansin naman ito sa akin na para bang maamong tupa. Paminsan-minsan naman ay lumalabas kami for our romantic dinner. Kaya lalo akong naiinlove sa taong ito dahil hindi ito papayag nang hindi kakanta ng mga favorite songs ko. Pakira

