- Akeera - “Bitiwan mo ako manloloko!" malakas kong bulyaw dito. Pero imbis na bitiwan ako nito ay mas lalo lamang itong humigpit ng yakap sa akin. “Please Baby, pag-usapan natin ito." “Ayoko na makipag usap sa iyo. Kaya ngayon pa lang ay magkalimutan na tayo." hirap kong bigkas habang walang tigil sa agos ang aking mga luha. “I love you so much Baby" “Dont ever try to tell me how much you loved me if you already have a fiancee" napapikit ako sa sobrang sakit ng aking puso ng isalita ko ang mga katagang iyon. “H-how did you k-know?" Mababa ang boses nito dahil sa hindi inaasahan na salita ko. “Bakit hindi ko ba pwedeng malaman?" mapait kong salita. “No, don't listen to them Baby" “Pwede ba Aris. Wag ka nang magsinungaling pa! Alam mo na ito at pilit mo lang ako nilalayo sa butl

