"Aalis ka na bukas pero wala ka pa ring sinasabi tungkol sa nobyo mo," si Papa. Natigil ang pag-inom ko ng tubig. Bahagya pa akong nagulat pero saglit lang iyon. Ibinaba ko ang baso ng tubig at mahinang tumikhim. I don't know if I should feel comfortable knowing they finally ask me about Julian or not. Siyempre, akala ko nga ay handa na akong ipakilala si Julian sa kanila. Kahit ang mga sasabihin ko ay nakahanda na sa isipan ko. Pero ngayon na nasa sitwasyon na ako, tila naging blanko ang utak ko. How do I start? Hihintayin ko ba sila magtanong o sasabihin ko na lang? Ano naman ang sasabihin ko? Alam naman nila ang tungkol doon. Ano pa ba ang puwede kong gawin? Hindi ko alam. Bahala na. I will just say what I practiced in my mind. "Si Julian, iyon ang mayaman na poging business man

