I was excited. But then maybe, this day wasn't really meant for us. Hindi niya ako nasundo nang makabalik na ako sa syudad. I was disappointed, yes. Hindi naman siya nangako sa akin na susunduin niya ako pero kasi... Bago matapos ang tawag namin kagabi, sinabi nga niya na sisiguraduhin niyang siya ang una kong makikita. Siyempre, naroon na nag-expect nga ako. I did because it has been a week since we didn't see each other. Miss na miss ko na si Julian pero naintindihan ko naman. Busy siya sa trabaho... I understand his absence and again, he didn't promise. Kaya wala dapat akong ikasama ng loob, 'di ba? Walang pangako na napako pero hindi pa rin no'n naalis ang irita ko. Kaya naman buong araw ng Lunes ay nasa bahay lang ako para magpahinga. I did still work but because of my ill feeling

