Prologue
Naglalakad ako papasok sa loob ng convenience store para bumili ng ice cream. Ang magaling ko kasing kapatid, nagpabili ng ice cream samantalang alas nuwebe na ng gabi. Gusto niya daw kumain at promise ko daw kasi sa kanya yon dahil nag top 1 siya sa klase.
Dinukot ko muna yung wallet ko sa bulsa para makita kung sakto lang ba yung laman ng wallet ko para sa bibilhin ko. Ang gusto pa naman ng loko e magnum, kung alin pa yung mahal yun pa yung gusto. Mukhang napasubo ako sa kapatid kong ‘to.
Nang mabuksan ko yung wallet ay bigla na lamang akong bumunggo sa isang matigas na dibdib nang kung sino man. Nagkalaglag tuloy yung mga barya sa wallet ko. Napapulot tuloy ako ng di oras sa sahig at kung minamalas ka nga naman ay hindi ko na makita yung ibang barya. Mukhang kung saan na nalusot, sana di mag kulang pera ko.
Pagtayo ko at saktong pag angat ko ng paningin ay napanganga ako hindi dahil sa perang hawak nung lalake kundi dahil napaka gwapo nito.
“Miss, it is your fault na hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo at bumunggo ka sa akin. But to make this short because I’m on a hurry, here, take this money dahil alam ko namang nagkulang na yung pera mo tho it’s just some coins.” litanya ng gwapong lalake sabay lagay sa palad ko nang ibinibigay niya sa aking isang libong piso.
‘Hmp, napaka yabang naman neto, pero infairness ang ganda ng nga mata niyang kulay abo, mahahabang pilikmata at kissable lips.’
Tiningnan lang ako nito at sabay napailing, saka ito lumayas.
Hindi ko maibuka ang bibig ko that time kaya di man lang ako nakahingi ng sorry. Pero salamat sa binigay niya kase may pandagdag ako sa pambili ko ng pagkain ko. Deserve ko ‘to!
Sayang di ko nahingi yung pangalan saka number ni kuyang pogi.