THE MASTER "Pupuntahan ko ang mga bata pero huwag na huwag mong bubuksan ang pinto." pabulong na saad ni ina. Napatango ako. Wala rin naman akong balak pagbuksan ito. Gusto ko lamang masiguro ang kapakanan ng mga bata. Lakad pusang pumanhik paakyat sa hagdan si ina. Ako naman ay nanatiling nakaupo at kinakabahang tiningnan ang nakasarang pinto. Alam kong hindi ako mapoprotektahan ng pinto kung sakaling si Sebastian nga ang ngayo'y nasa labas at kumakatok. Hindi ako gumalaw. Muli'y ay tatlong magkakasunod na katok ang aking narinig. Mas lalo akong kinabahan, that's one of the organizations rule: three knocks before coming in. Ni ang huminga ay natatakot ako, takot akong makalikha ni kaunting kaluskos. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nagkaroon ng katahimikan. Ang ugong ng sasakyan ang sun

